‘Pedro Penduko’ ni James Reid, matutuloy pa nga ba?

Umaasa din si James Reid na mananatiling siya pa din si Pedro Penduko.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/17/2019 9:38 AM
‘Pedro Penduko’ ni James Reid, matutuloy pa nga ba?


Aminado si James Reid na pansamantalang maantala ang shooting ng inaabangan na muling pagbabalik ng Pedro Penduko.

Kasunod ito ng kanyang natamong injury sa kanyang balikat galing sa matinding training bilang paghahanda para sa Pinoy comic iconic character.

READ: James Reid starts training for ‘Pedro Penduko’

Yes, it’s still delayed because I have shoulder injury while training for it so it could take couple of months to heal,” aniya sa naging panayam ng PUSH at ABS-CBN News sa launching ng kanyang bagong endorsement sa Merrell shoes nitong Biyernes, March 15.

READ: Why James Reid is the new Pedro Penduko

Ayon sa aktor, matatagalan pa bago siya muling makakabalik sa training.

I wasn’t taking care of the healing process, and I tore one of the tendons in my shoulder so it takes time to heal,” sabi pa niya sa panayam.

Dahil sa shoulder injury, limitado din daw ang kanyang mga galaw para mapabilis ang pag-galing.

I can’t do training, can’t do heavy exercise but I’m slowly getting back into it,” ani James.

Nang tanungin kung siya pa din ba ang gaganap sa iconic comic character, paglilinaw niya, “I hope so, I hope so. I have to wait until it heals,” sabi pa niya.

Dahil sa kanyang injury, mas pinili din umano muna ng produksyon na kanselahin muna ang shoot ng kanyang upcoming solo movie project.

I think they’re waiting for me. It depends on how fast I can recover,” pahayag pa ng aktor.

Sa ngayon, abala din James sa pinakabagong Kapamilya singing search na Idol Philippines kung saan isa siya sa mga hurado.