• Home
  • Fresh Scoops
  • Kira Balinger pursues singing career, signs new contract with Star Music PH

Kira Balinger pursues singing career, signs new contract with Star Music PH

Ipinakilala bilang bagong Star Pop ng Star Music si Kira Balinger.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/17/2019 9:52 AM
Kira Balinger pursues singing career, signs new contract with Star Music PH


Excited na ang Star Magic artist na si Kira Balinger para sa bago niyang career bilang isang recording artist. 

Pumirma ng kanyang pinaka-unang kontrata sa Star Music PH Starpop record label si Kira nitong Huwebes, March 14. "Ang masasabi ko po, they can see a new Kira from what they see on TV. Ngayon I'll reach out to you through music. So I hope they enjoy my music when it's out," pahayag ni Kira sa press.

Ayon kay Rox Santos ng Star Music, ipakikilala ang aktres bilang 'Kira' na may genre na 'alternative pop.'

"A little bit with acoustic with a twist," dagdag ni Kira na sinabing siya rin mismo ay tutugtog sa kanyang mga kanta.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Ako ang mirasol mo. 🙈🌻 Thank you glam team! @juliuscmua @dianamayrq @drewlacia

A post shared by Kira Balinger (@kira_balinger) on

Sa naganap na contract signing din ay ni-reveal ng dalaga ang mga 'influences niya sa pagkanta. "(Avril Lavigne) put a big part when I was growing up, nung nag regular school pa ako. You know, when you go through that emo stage. Siya yung idol ko noon.

"Aside from Avril, si Tori Kelly, since nagpe-play din siya ng guitar, and she writes her own songs, and Ed Sheeran na din," kuwento ni Kira.

Sa ngayon, naghihintay pa ng anunsyo kung kailan ilalabas ang unang single at EP ni Kira.