• Home
  • Fresh Scoops
  • OPM singer Ray-An Fuentes, balik Pilipinas para sa isang concert

OPM singer Ray-An Fuentes, balik Pilipinas para sa isang concert

Si Ray-An Fuentes ang orihinal na umawit nang ‘Umagang Kay Ganda’.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/16/2019 2:29 PM
OPM singer Ray-An Fuentes, balik Pilipinas para sa isang concert


Photo credit to the owner

Muling nagbabalik Pilipinas ang OPM singer na si Ray-An Fuentes. Si Ray-An ang orihinal na boses sa sikat na awitin ng “Umagang Kay Ganda” na isa ngayong top rating morning show sa ABS-CBN.

Sa muling pagbabalik ni Ray-An, bahagi siya ng upcoming concert ni Kuh Ledesma na The Promise concert na gaganapin ngayong March 16 sa Mall of Asia Arena sa Pasay, City.

READ: Sarah Geronimo at Daniel Padilla, kasama ni Kuh Ledesma sa isang benefit show

Kuwento ni Ray-An, excited siya ngayon na makasama ang mga baguhan na singers ba bahagi din ng Christian concert na inihanda ni Kuh.

“Siyempre excited I want to know how they perform. I want to be able to watch how they perform so you know sila ang mga sikat ngayon. They must be really good,” aniya sa panayam ng PUSH at ABS-CBN News.

Dahil marami ang mahuhusay na baguhang singer ngayon, ito ang payo ni Ray-An

“Ang maipapayo ko lang sa mga bago ngayon is really to polish your craft ‘di ba? Really work hard and be good at what you do,” sabi pa ng batikang OPM singer.

Mapapanuod si Ray-An kasama sina Sarah Geronimo, Daniel Padilla, Kuh Ledesma at iba pang mga bituin sa The Promise concert sa Mall of Asia Arena.