Nadine Lustre, bakit nga ba mas sexy ngayon?

Nadine Lustre, kakaibang projects ang hinahanap sa ngayon.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/16/2019 2:08 PM
Nadine Lustre, bakit nga ba mas sexy ngayon?


Photo credit: @nadine IG (R)

Kakaibang Nadine Lustre ang mapapanuod sa  pelikulang Ulan na malayo sa nakasanayang proyekto sa kanya.

Kaya naman, looking forward si Nadine sa iba pang kakaibang projects kabilang na ang napapabalitang pagsasama nila ni Angel Locsin sa isang action movie.

Sa panayam kay Nadine, hindi maitago ang pagkasabik nito.

“My god! Hopefully! Sana sana! I’m excited for that. Siyempre si Ate Angel yun eh ibang level yun! So if ever man na matutuloy yun, I’ll be really really happy,” tugon ni Nadine sa panayam ng press.

Dito, kapansin-pansin din ang pagiging sexy ni Nadine na aminadong reseulta ng sinusunod na kanyang strict diet.

“Yes I do, I still eat of course. Now po kasi I have yung packed foods. Yun ang lagi ko kinakain and this is the effect,” pagmamalaking kuwento niya.

At kahit ipapalabas na, aminado si Nadine na kung mabibigyan ng pagkakataon ay muli siyang gagawa ng ganitong klaseng proyekto.

“Para po kasi sa akin, this is the kind of movie na hindi takot mag-take ng risk, so I think hopefully in the future a lot of people will be inspired to do this type of project,” pahayag pa niya.

Mapapanuod na ang Ulan sa mga sinehan sa direksyon ni Irene Villamor