• Home
  • Fresh Scoops
  • Karla Estrada, sinabing nagparamdam si Chokoleit sa kanyang panaginip

Karla Estrada, sinabing nagparamdam si Chokoleit sa kanyang panaginip

Dalawang dekadang magkaibigan sina Karla Estrada at Chokoleit.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/16/2019 12:58 PM
Karla Estrada, sinabing nagparamdam si Chokoleit sa kanyang panaginip


Photo credit: @hot_chokoleit IG (R)

Ikinuwento ni Karla Estrada sa Magandang Buhay kahapon, Marso 15 na nagparamdamn ang pumanaw na komedyanteng si Chokoleit sa kanyang panaginip.

Read: Comedian Chokoleit passes away

"In fact, kahapon ng madaling araw nagpakita siya sa akin sa panaginip. Nakaupo silang apat, lumingon siya. Siguro sinasabi niya, 'Momshie Karls, hindi ka pa pumupunta.' Pero talagang naka-schedule ako kahapon. Pero nakakatuwa na nagpakita siya sa akin sa panaginip," kwento ng Magandang Buhay host.

“So may ganun, mga kaibigan, na minsan hindi mo naman lagi nakakasama pero sa puso nila ay mahalaga ka," dagdag pa ni Karla.

Ayon kay Karla, ang pagkakaibigan nilang dalawa ay nagsimula pa noong bago pa sila maging artista.

“Kaibigan ko si Chokoleit, mga 1993 pa. So nagkikita kami sa comedy bars hanggang sa maging artista. In fact, 'yung first time naming makarating mag-ina, kami ni Daniel Padilla, five years ago sa Amerika, siya ang kasama namin na nag-perform. Siya ang front act ni Daniel. Talagang grabe ang kuwentuhan namin na parang, 'Di ba dati, Day, nagkukuwentuhan lang tayo. Ngayon nandito na tayo sa Amerika.”

Kahapon din ay idinaos ng malalapit na kaibigan at kapamilya ni Chokoleit ang kanilang huling paalam para sa kanya.

Read: ‘Paalam, Chokie’: Friends, family pay tribute to Chokoleit