• Home
  • Fresh Scoops
  • Claudine Barretto, sinagot ang malisyosong tanong mula sa isang netizen

Claudine Barretto, sinagot ang malisyosong tanong mula sa isang netizen

Habang inaalala ang kaarawan ng dating ka-loveteam na si Rico Yan, matapang na sinagot ni Claudine Barretto ang isang isyu ng netizen, tungkol sa relasyon niya kay Rico Yan, at sa dating asawa na si Raymart Santiago.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/16/2019 3:03 PM
Claudine Barretto, sinagot ang malisyosong tanong mula sa isang netizen


Photos credit: @claubarretto (L)/ @ricoyanclaudine (R) IG

Bumuhos ang pag-alala sa kaarawan ng namayapang matinee idol na si Rico Yan, mula sa kanyang mga kaibigan sa showbiz, simula kahapon March 15. 

Isa na dito ang Instagram post ng dating ka-loveteam na si Claudine Barretto. 

"My luv and my Life.always & forever </3 </3 </3 </3" sabi ni Claudine sa caption ng picture.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

My luv & my Life.always & forever 💔💔💔💔

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on

Sinundan din ito ng isa pang post ni Claudine na may nakasulat na, "I thought of you today but that is nothing new. I thought about you yesterday and the days before that too. I think of you in silence, I often speak your name. All I have are memories and your picture in a frame. Your memory is a keepsake from which I’ll never part. God has you in his arms, I have you in my heart.

"In my heart every single day RY," ayon naman sa caption nito. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

In my heart every single day RY

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on

READ: Marvin Agustin remembers Rico Yan on his birthday

Sa kabila ng dalawang emosyonal na mensahe para sa dating ka-tambal at kasintahan, ay hindi rin namang napigilan ng aktres na sagutin ang isang ma-isyung tanong mula sa netizen na "Then why did you choose your ex-husband over Rico (Yan) when he was still alive?"

"I was not with my ex-husband. We were not together when Ry was alive. Get your facts straight," sagot ni Claudine sa komento ng netizen.

Bago pumanaw noong 2002 dahil sa hemorrhagic pancreatitis, kilala si Rico Yan bilang ka-loveteam ni Claudine sa mga pelikulang Got 2 Believe, at Flames. Naging magkasintahan din ang dalawa pero nagkaroon ng di pagkakaunanawan na naging rason ng kanilang breakup. Naging heartbroken si Claudine dahil nangako pa si Rico na aayusin nila ang kanilang relasyon pagbalik nito sa kanyang bakasyon sa Palawan. 

Apat na taon ang lumipas, ay ikinasal naman si Claudine kay Raymart Santiago, pero nagkahiwalay sila noong 2013.