• Home
  • Fresh Scoops
  • Bayani Agbayani on Alex Gonzaga: ‘Parang ginagamit pa niya kami sa mga blog niya…’

Bayani Agbayani on Alex Gonzaga: ‘Parang ginagamit pa niya kami sa mga blog niya…’

Bayani Agbayani, naglabas ng mga ‘hinain’ laban kay Alex Gonzaga

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/16/2019 1:48 PM
Bayani Agbayani on Alex Gonzaga: ‘Parang ginagamit pa niya kami sa mga blog niya…’


Photo credit: @cathygonzaga on Instagram (L) / @bayaniagbayani on Instagram (R)

Sa pakikipag-usap ni comedian Bayani Agbayani sa King of Talk sa Tonight with Boy Abunda, muli niyang ipinaliwanag kung saan nanggagaling ang napapabalitang “tampuhan” nila ni comedienne at internet sensation Alex Gonzaga. 

WATCH: Nagkakapikunan nga ba sina Bayani Agbayani at Alex Gonzaga?

Ani Bayani, “kaibigan ko si Alex. Nagkataon lang na may ginawa kaming kanta ni Kean Cipriano, yung ‘Ulo-Ulo.’”

Kuwento ni Yani, balak nila ni Kean na “i-promote ng husto” ang “Ulo-Ulo,” pero diumano, “biglang naglabas yung Alex ng ‘Chambe-Chambe’ at sobrang kinagat ng tao yung Chambe-Chambe. (Sabi ko kay Kean) wag muna natin ilabas, (kasi) yung Ulo-Ulo natin baka pulutin sa kangkungan.”

Dagdag pa ni Yani kung bakit siya nagtampo kay Alex, “ang maano lang kay Alex, yung alam niya na meron na kaming Ulo-Ulo, gumawa agad ng Chambe-Chambe so parang gusto niya siya lang ang sumikat. Yun ang napansin ko.”

Bukod sa issue ng kanta, may isa pang tampo si Bayani kay Alex, “parang ginagamit pa niya kami sa mga blog niya. Lagi kaming kasama sa blog niya, pero ni singko, kahit anong sandwiches man lang, hindi kami pinapakain.”

Kuwento ni Yani tungkol dito, “halimbawa, uwian na ng I Can See Your Voice. Puwede na kaming umuwi sa mga pamilya namin kasi pagod na kami. Sabi niya, iipunin niya kami, puwede ba sumama kayo dito sa blog. Kanta tayo ng Queen kasi sikat na sikat sila ngayon e.”

Ayon kay Yani, sumikat ng todo ang ginawa nilang video, “Sumikat at talagang nag-trending sa YouTube, (pero) ni ha ni ho, wala!” 

Puwede rin daw makulong si Alex dahil sa mga ginawa nito kay Bayani. “Sinabi ko po sa abogado ko po yan, puwede daw po makulong si Alex. Ang kaso trangkaso.” 

Sabay tawa naman ang komedyante at binawi rin ang kanyang mga sinabi, “hindi ko alam Tito Boy. Biro lang po. Mahal na mahal po natin si Alex.”