• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban, binigyang linaw ang pag-alis ni Carlo Aquino sa ‘Playhouse’

Angelica Panganiban, binigyang linaw ang pag-alis ni Carlo Aquino sa ‘Playhouse’

Aminado si Angelica Panganiban na hindi sila on good terms ni Carlo Aquino ngayon.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/16/2019 2:29 PM
Angelica Panganiban, binigyang linaw ang pag-alis ni Carlo Aquino sa ‘Playhouse’


Kasunod nang napabalitang hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Carlo Aquino at Angelica Panganiban, itinanggi ng Kapamilya actress ang pagkakaroon nila ng problema sa pinagsamahang proyekto na Playhouse na magtatapos ngayong Marso 22.

Kuwento pa ni Angge sa finale media conference, inamin ng aktres na nakatulong sa programa ang karakter ni Carlo.

“Oo naman kasi siyempre,” pahayag ni Angelica.

“Kasi simula naman bago, actually mga second week palang ng Playhouse sinabi na sa amin na papasok talaga ‘yung character ni Carlo sa show, so alam na namin matagal na,” aniya.

Paglilinaw ni Angelica, walang kinalaman ang napabalitang gusot nila at tampuhan sa biglang pagkawala ni Carlo sa Playhouse.

“Ang alam nga namin maiksi lang talaga ang character niya. Talagang isang buwan lang, kasi cameo role, tapos na-extend, tapos pumasok si Belle (Isabel Daza), napahaba na ‘yung show,” ani aktres.

“I guess nakatulong kasi tumagal ‘yung show” patuloy pa niya.

Pagdating naman sa kanyang personal na hugot sa buhay, aminado si Angelica na minsan nailalagay niya ang kanyang sarili sa karakter ni Patty na isang ina sa kanyang anak.

Lahad pa niya, napapaisip na siya minsan na bumuo ng sariling pamilya.

“Ah oo naman, nasa tamang edad na ako para magka-anak and ayoko naman mawala sa mundong ito nang hindi ako nagkakaroon ng anak. So gusto ko magkaroon ng pamilya, gusto ko magkarook ng anak, ‘yun ang goal, ‘yun ang ultimate goal. Pero may mga bagay na ibinibigay sa ‘yo na dapat i-prioritize mo kasi siguro ito muna ang asikasuhin mo kasi hindi pa para sa ‘yo,” pahayag pa ni Angelica.

Inamin ni Angelica na wala na silang komunikasyon ni Carlo sa ngayon.

READ: Angelica Panganiban confirms she and Carlo Aquino are not on speaking terms