• Home
  • Fresh Scoops
  • VP Leni Robredo creates a film festival to promote ‘istorya ng pag-asa’

VP Leni Robredo creates a film festival to promote ‘istorya ng pag-asa’

Istorya Ng Pag-asa Film Festival is meant to inspire Pinoys with stories of hope and overcoming the odds.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/15/2019 9:54 AM
VP Leni Robredo creates a film festival to promote ‘istorya ng pag-asa’


Photo credit: istoryangpagasa.ovp.gov.ph

Nasa ikalawang taon na ang pinakabagong film festival sa bansa na Istorya Ng Pag-asa Film Festival (INPFF) na project ng Office of the Vice President in partnership with the Film Development Council of the Philippines (FDCP) and Ayala Foundation Inc.

INPFF is a nationwide competition for original short films featuring extraordinary stories of ordinary Filipinos at ang objective nito ay magbigay ng platform for short films showcasing true and inspiring stories of hope.

Ayon kay VP Leni Robredo, “Layunin namin na sa pamamagitan ng Istorya ng Pag-asa na magkabuklod-buklod ang mga Pinoy at makakuha ng inspirasyon sa mga kuwento ng pagbangon, pagsusumikap, pakikibaka ng kanilang kapuwa, sa paniniwala sa kabutihan ng bawat tao at sa katatagan ng mga Pinoy sa anumang pagsubok na kanilang kinakaharap sa buhay.”

This year’s winner for Best Film sa INPFF will take home P80,000 while the 1st and 2nd runners-up will get P50,000 and P30,000, respectively.

Last year (2018), nanalong Best Film ang short film na Ang Biyahe ni Marlon ni Florence Rosini na tumatalakay sa isang Uber driver na may Tourette Syndrom at kung paano niya ginamit ang kanyang kapansanan para maging inspirasyon sa paghahanap-buhay.

Nagmarka rin ang short film na Gawilan ni Kelsy Lua na tungkol naman sa tunay na buhay ni Ernie Gawilan, isang PWD na swimmer na natupad ang pangarap na makasali sa 2016 Summer Paralympics.

Ang actor-producer na si Dingdong Dantes ang ambassador ng Istorya ng Pag-asa Filmfest.

Para sa mga gustong sumali, bisitahin nag website na www.istoryangpagasa.ovp.gov.ph. para sa mechanics.

Ang deadline ng entries ay hanggang sa Marso 25, 2019.