• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Ara Mina says Barbie Imperial asks for her advice on love life and career

EXCLUSIVE: Ara Mina says Barbie Imperial asks for her advice on love life and career

Ara Mina and Barbie Imperial remain close months after the end of their series, ‘Araw Gabi’.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/15/2019 9:41 AM
EXCLUSIVE: Ara Mina says Barbie Imperial asks for her advice on love life and career


Photo credit: @therealaramina/ @msbarbieimperial on Instagram

Kahit tapos nang ipalabas ang afternoon series ng ABS-CBN na Precious Hearts Romances: Araw Gabi ay napanatili pa rin nina Ara Mina at Barbie Imperial na gumaganap na mag-ina sa series ang kanilang closeness.

Kuwento ni Ara, “Actually, after Araw Gabi, ang akala ko hanggang pang-taping lang, eh. Nasa Holy Land ako noon nung nag-text si Barbie. Sabi niya, ‘Ate, kailan ang uwi mo? I need you.’

“May mga ganun siya. Continuous ang communication namin. Yung iba kasi, pagkatapos ng taping hindi ka na kinukumusta. Thoughtful si Barbie.”

Madalas din daw siyang yayaing lumabas ng dalaga.

“Actually, lagi niya akong niyayaya, kaya lang busy rin ako kasi may anak nga ako. Minan, gusto ko rin siyang samahan, pero siyempre hindi na ako dalaga na keri pa yung always nagpupuyat,” lahad niya.

Eh, ano naman ang binibigay niyang advice kay Barbie lalo na pagdating sa love?

“Ang advice ko lang sa kanya is dapat relax lang. Wag munang ma-in love nang todo, kasi yon yung… hindi lahat ng artista nabibigyan ng opportunity.

“Kita mo nga ako, 35 years old na ako nagka-anak, kasi yon ang plinano ko, di ba? So, i-enjoy lang dapat ang life, okey lang yung may mga pakilig-kilig, ganun,” sambit niya.

Maging si Kisses Delavin ay malapit din daw sa kanya.

“Si Kiss (Delavin) nagdi-DM din yan sa akin, ‘Miss ko na kayo ni Mandy (anak ni Ara).’ Nakakatuwa silang dalawa kasi hindi sila nakakalimot.

“Sabi ko nga, talagang parang ateng-ate ako nilang dalawa – si Kisses at si Barbie. Mas madalas pa ngang mag-text si Barbie sa akin kesa kay AA (Cristine Reyes). Eh, siyempre si AA malaki na.

“Si Barbie kasi walang ate figure, eh. Kuya meron, pero minsan kasi pag kuya hindi ka naman makakapag-open up ng… mas open siya siyempre sa babae,” kuwento ulit ng aktres.

Aminado rin si Ara na kahit maraming mga off the record na kuwento sa kanya si Barbie ay mananatili itong lihim.

Aniya, “Ay madami. Pero siyempre lahat naman ng sinasabi niya sa akin alam niyang safe. I mean, hindi naman kailangang ilabas. Delikado din kasi minsan pag ka-age mo yung sinasabihan mo tapos parehas kayong nasa showbiz.

“Minsan kasi, siyempre hindi naman mai-insecure sa akin si Barbie  kasi mas matanda ako sa kanya. Alam mo yon, kumbaga, andyan talaga yung competition sa same age, eh.

“At saka na-touch ako sa kanya, first taping day ko noon pero nag-confide agad siya sa akin, humingi ng advice kasi magkasama kami sa tent. Parang nakakataba rin ng puso yung ganun kasi first day ko pa lang ng taping, nagkita lang tayo sa storycon, napagkatiwalaan mo na kaagad ako ng ganun, di ba?

“And iningatan ko yon. Kung anuman yung mga sinasabi niya sa akin walang nakakalabas.”