Nicko Falcis, inisyuhan ng warrant of arrest

Kaagad namang nag-isyu ng press statement ang legal team ni Kris na Fortun, Narvasa, Salazar tungkol sa nangyari.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/14/2019 9:59 PM
Nicko Falcis, inisyuhan ng warrant of arrest


Photo credit to: @nix722 IG

Nag-isyu ng warrant of arrest nitong Huwebes, March 14, ang Taguig City Regional Trial Court para dakpin ang dating business parter ni Kris Aquino na si Nicko Falcis.

Nangyari ito pagkatapos ng rekomendasyon ng Taguig City Fiscal na iakyat sa Estafa at Credit Card Fraud ang kasong Qualified Theft na isinampa ni Kris Aquino laban kay Nicko.

Isinerve ng mga pulis ang warrant of arrest sa bahay ng mga Falcis sa Quezon City, pero ayon sa pamilya nito, wala doon si Nicko at hindi nila alam kung nasaan.

Kaagad namang nag-isyu rin ng press statement ang legal team ni Kris na Fortun, Narvasa, Salazar tungkol sa nangyari.

Narito ang nakasaad:

“Immediately upon issuance of the Resolution of the Office of the City Prosecutor of Taguig City recommending the indictment of Mr. Nicko Falcis of the crimes of estafa and violation of the Access Device Law (Republic Act No 8484), a warrant of arrest was issued by Branch 70 of  the Taguig City Regional Trial Court.

“The arrest warrant was served upon Mr. Falcis at his given address in Quezon City, which he claimed in his sworn counter-affidavit as his residential address. When the police arrived, he was not there, and his family and his brother claimed to not know his whereabouts. He continues to be at large as of today.”

Sa kabila ng nakatakdang pag-aresto kay Nicko ay hindi naman nagbibigay ng kahit anong pahayag si Kris.