Myrtle Sarrosa, sasabak na ba sa beauty pageant?

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/14/2019 10:51 AM
Myrtle Sarrosa, sasabak na ba sa beauty pageant?


Sa media conference para sa pelikulang Papa Pogi, nagbigay reaksyon ang former Pinoy Big Brother Teen Edition Big Winner na si Myrtle Sarrosa sa kontroberysal na mga kaganapan sa bahay ni Kuya.

Ayon kay Myrtle, dapat maging magandang halimbawa ang mga housemates at huwag puro sarili ang unahin.

“Hindi lang yun about yourself eh it’s also to set an example. So buti na lang si Kuya he gives the right advice para din ma-guide,” sabi pa ni Myrtle.

Bukod dito, binigyang linaw din ni Myrtle ang mainit na pinaguusapan ngayon ang pagtutulak sa Kapamilya star na subukan ang pagsali sa beauty pageant.

Dahil ito sa paghanga ng karamihan sa kanyang talino at sexing katawan na isa as mga katangian ng isang beauty queen.

Pero paglilinaw ni Myrtle, “Wala, wala ako sa height na ganun eh and how they answer questions and how they put themselves on the stage,” pahayag pa niya.

Sa ngayon, abala si Myrtle sa pag promote ng Papa Pogi kasama si Teddy Corpuz na mapapanuod simula March 20.