• Home
  • Fresh Scoops
  • Charo Santos, may mga artistang ipinatawag sa kanyang office dahil sa love life nila

Charo Santos, may mga artistang ipinatawag sa kanyang office dahil sa love life nila

Bea Alonzo, inamin na dalawang beses na siyang napatawag sa opisina ni ABS-CBN executive Charo Santos

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/14/2019 11:21 AM
Charo Santos, may mga artistang ipinatawag sa kanyang office dahil sa love life nila


Photo credit: @beaalonzo on Instagram (L)

Sa dressing interview nina Charo Santos-Concio at Bea Alonzo sa Tonight with Boy Abunda, inamin ni Bea na “na-principal’s office na siya” o napatawag sa opisina ng ABS-CBN executive na si Ma’am Charo. “Ilang beses din po. Dalawang beses,” ani Bea sa host na si Boy Abunda. 

Nakakatuwang kuwento pa ni Bea, na hindi niya makakalimutan ang huling beses na ipatawag siya. “Pinaka-recent habang ginagawa ko yung A Love to Last. Hindi ko makakalimutan yung tinola sa opisina ni Ma’am Charo. Kasi parang andami kong nakain sa tension ko. Inisip ko parang naubusan yata ng tinola si Ma’am Charo.”

Paglilinaw ni Bea, hindi naman siya pinagalitan ni Charo, “hindi naman siya principal’s office na pinagalitan ako. Parang marami lang siyang gustong i-suggest dun sa character ni Andeng. Na gagawin ko para i-acting yung character ni Andeng.”

Paliwanag naman ng veteran actress at ABS-CBN executive, “I think I’m a teacher at heart. So those sessions I have with the talents are really more of coaching sessions.  Whether it’s about the attitude or whatever I can help in giving feedback sa kanilang acting skills, even their personality, the way they carry themselves…” 

May mga napapatawag din daw siya ng dahil sa “breakup.” Kuwento ni Charo, “Meron. I care enough that life should not stop because there’s a breakup. I talk to them about life, how to handle their pain, how pain can enrich someone. Both personally and professionally…. That they should not stay in that feeling of pain and bitterness. In fact, learn transcend and use those painful moments positively.”

Hindi rin kinaila ni Charo na kung kinakailangan ay pinagagalitan din niya ang isang talent. “Yes, because of unprofessional behavior. Just to remind them that they owe it to their audience to give their best. May katungkulan kami e. Minsan nagpapaalala lang ako to stay grounded. Everything is temporary so never ever forget to respect the audience who loves you.”

Sa mga talents naman na umiiyak na bago pa siya magsalita, sinabi ni Charo na iniintindi niya yun. Lalo na kung ang dahilan ng pagkausap niya sa mga ito ay ang maaring pagkawala ng kanilang programa. “Iniintindi ko yun… I don’t take anything personally. Ke magwala sila, mag-walk out sila, umiyak sila sumigaw sila…” ani Charo.

READ: Charo Santos, inamin ang pananabik na makasama si Bea Alonzo sa pelikula