Pokwang, makakapagpatayo na ng beach house

Pokwang made another life achievement

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/13/2019 12:28 PM
Pokwang, makakapagpatayo na ng beach house


Photo credit: @itspokwang27 on Instagram

Masayang ibinalita ni Pokwang na matapos ang isang dekada ay mapapatayuan na niya ng bahay ang lupang nabili niya noon sa Bataan.

Sa video ay makikitang tanaw agad ang dagat sa kanilang property.

“Finally after 10 years mapapatayuan na kita yehey. #CamayaCoast e yung kita ba dagat? Salamat po papa God,” ani Pokwang.

Bukod dito ay may sarili na rin bahay si Pokwang kasama ang kanyang pamilya. Ilang taon na rin nagtatrabaho sa mundo ng showbiz ang komedyante at ikinatuwa ng netizens na nagbunga na rin ang kanyang mga paghihirap.