MNL48 members, handa na nga ba kilalanin ang MNL48 new gen?

Labis na ang pananabik ng MNL48 para sa kanilang upcoming concert.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/13/2019 12:39 PM
MNL48 members, handa na nga ba kilalanin ang MNL48 new gen?


All set na ang MNL48 girls para sa kanilang nalalapit na Living The Dream concert na gaganapin ngayong April 6.

Sa naging panayam ng PUSH at ABS-CBN News, hindi pa din makapaniwala ang frontliner member  MNL48 na si MNL Sheki sa kanilang naabot ngayon na tagumpay.

“Super thankful po kaming MNL48 na magkakaroon po kami ng ganitong event. Ito po kasi ang first major concert po namin for the Philippines,” ani Sheki.

Kuwento pa ng MNL48 girls, dapat abangan ang kanilang mga pinasikat na awitin gaya ng ng “Pag-ibig Fotune Cookie”, “Palusot Ko’y Maybe” at ang hit na “Talulot ng Sakura”.

“May first six songs na po kami and inihahanda na po namin ang bagong songs po namin na handog namin sa mga supporters po namin,” sabi pa ni Sheki.

 

At dahil muling magbubukas ang search for second generation of MNL48, naitanong din sa first batch kung gaano sila ka excited para dito.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

[MNL48 SECOND GENERATION AUDITION] Do you have what it takes to be the next idol? Join MNL48 Second Generation Audition NOW and be part of Philippines’ first idol group! APPLICATION IS NOW OPEN to all aspiring young females who dream to become an idol and have a passion for singing, dancing and performing! TO JOIN, just LOG IN/ REGISTER now to www.mnl48.ph or MNL48 Fan Club App (available in Google Play Store and Apple Store) to enter. Be part of the history! DEADLINE OF SUBMISSION is from January 31, 2019 – February 28, 2019. You will receive a notification if you’re one of the qualified candidates who will proceed to the 2nd stage of audition. For more information, visit MNL48 official SNS pages. #MNL48 #MNL48SecondGeneration

A post shared by MNL48 (@mnl48official) on

“Kami po sobrang excited po, siyempre lumalaki na ang mundo ng idol industry sa Philippines and nakakatuwa po kasi kung may season 2 na ibig sabihin po nag grow na po MNL48,” pahayag pa ng ilang miyembro ng MNL48.

Sa ngayon, inihahanda na nang MNL48 ang kanilang upcoming songs na ihahandog nila sa kanilang mga taga suporta.

Sa darating na April 6 mapapanuod ang MNL48 sa New Frontier Theater sa Araneta Center, Cubao para sa kanilang Living The Dream Concert.