Bakit single pa din si Yen Santos?

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/13/2019 12:44 PM
Bakit single pa din si Yen Santos?


Photo credit: @ysantos on Instagram

Hindi itinanggi ng Kapamilya star na si Yen Santos na ilang taon na siyang single ngayon.

Kuwento ni Yen sa naging panayam sa kanya sa media conference ng kanyang upcoming movie Two Love You, minsang sumasagi na sa isip niya ang pagkakaroon ng maituturing na special someone.

“Yes ang tagal na ‘no?” bungad ni Yen.

“Siguro, talagang hinihintay ko na ang the one. ‘Yung taong… gusto ko kasi pag nagkaroon ako ng boyfriend, siya na yung makakasama ko talaga sa buhay. Siguro hindi pa ni God… pero siyempre kahit papaano, kapag umuuwi ka may taong kumukumusta sayo kasi wala akong family dito ako lang,” aniya.

At kung tatanungin naman daw kung ano ang kanyang pinaka nami-miss sa pagkakaroon ng special someone, “Alam mo ‘yun, nakakamiss ‘yung palaging may ka text ka, ‘yung nag-good night sa ‘yo, good morning, ‘yung may nagsasabi ng ‘I love you’ ‘yung pagsasabihan ko din ng ‘I love you, too’ di ba? So sana…” pabiro niyang kuwento.

Ayon kay Yen, sumasagi na din sa isip niya ang pagbuo ng sariling pamilya.

“Siguro po, wala naman po talagang masama na maging mapili, dahil ang tagal ko na nga po kasi naging single, so parang ako ‘yung susunod na magiging boyfriend ko kailangan piliin na talaga mabuti kasi siya na ‘yung gustong makasama ko habang buhay kasi 26 na ako, so parang ang mindset ko pag nag-30 ako mayroon na akong pamilya,” pahayag pa ni Yen.

Sa ngayon, todo paghahanda na Yen para sa nalalapit na pagtatapos Halik na isa sa mainit na tinututukan ngayon sa ABS-CBN.