Marvin-Jolina reunion movie tuloy na tuloy na

Huling nagsama si Marvin at Jolina sa pelikulang ‘Hey Babe’ na napanood noong 1999.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

3/12/2019 7:31 PM
Marvin-Jolina reunion movie tuloy na tuloy na


Tila tuloy na tuloy na ang balik-tambalan nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal, na isa sa mga inidolong love teams noong 90s.

Sa inilabas na Instagram post ng direktor na si Dan Villegas, tila isang magandang simula na ang meeting nina Marvin at Jolina para pag-usapan ang kanilang comeback movie. 

 

Matatandaan na sa huling panayam sa “Magandang Buhay” host, inamin niya ang kanyang pananabik sa balik-tambalan nila ng kanyang tinuturing na isa sa malapit na kaibigan sa showbiz.

READ: Balik tambalan ni Marvin -Jolina, matutuloy na nga ba?

“Looking forward talaga kami to do this film ngayong year, kasi medyo na-miss namin ang pakikipag-work sa isa’t isa, kaya noong nakita ko siya noong birthday ko, para kong nakita ang bestfriend ko. ‘Oh yes, kaibigan mo lang ako’ parang ganon,” pabirong tugon ni Jolens sa panayam.

“Sobra akong na excite na magkakaroon kami ng time ni Marvin na makapag-usap ulit para sa isang project together,” pahayag pa niya.

Target ipalabas ang reunion movie ng Mar-Jo bago matapos ang taon.