• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Keempee De Leon, balik-Kapamilya para sa bagong teleserye, ‘Nang Ngumiti ang Langit’

EXCLUSIVE: Keempee De Leon, balik-Kapamilya para sa bagong teleserye, ‘Nang Ngumiti ang Langit’

Magsisimula na sa March 25 ang unang proyekto ni Keempee De Leon sa kanyang pagbabalik sa Kapamilya Network, ‘Nang Ngumiti Ang Langit’.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/12/2019 10:03 AM
EXCLUSIVE: Keempee De Leon, balik-Kapamilya para sa bagong teleserye, ‘Nang Ngumiti ang Langit’


Photo credit: @kimpster888/ @nangngumitianglangit_abscb on IG

Handa na ang balik-Kapamilya na si Keempee De Leon sa pagpapalabas ng bagong teleserye, ang Nang Ngumiti Ang Langit

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Abangan si @kimpster888 bilang BENJIE sa #NangNgumitiAngLangit. Malapit na sa ating ABS-CBN! #RSBDramaUnit

A post shared by nangngumitianglangit_abscbn (@nangngumitianglangit_abscbn) on

 

Kinumpirma din ni Keempee sa PUSH na ito ang opisyal ng pagiging ganap na Kapamilya niya muli, matapos ang huling teleserye noong 2002, ang Klasmeyts.

Nang tinanong kung sinu-sinong mga Kapamilya celebrities ang gusto niyang makatrabaho sa kanyang pagbabalik, "Actually lahat e, lahat ng mga taga-ABS-CBN, gusto kong maka-trabaho. Pero siyempre ako naman, hindi namimili so kung anong ibigay sa akin, thankful ako."

Sa parehong interview din ay pinatunayan ni Keempee ang kamakailang nag-trending na Instagram posts ng kanyang ama na si Joey De Leon, na nagsimula rin sa Kapamilya Network noon. 

"Oo kasi naitago niya naman talaga yun, yung certificate na nagtrabaho siya dito, yung unang sweldo niya.

"Nung giniba yung part ng isang CR sa ABS-CBN dati, may may mga logo sa tiles nun e, ABS-CBN logo. Tinago niya yung isang tile na pinagbakbakan," kuwento ni Keempee.

THROWBACK: Check out Joey de Leon’s mementos of his ABS-CBN career

Magsisimula na ang Nang Ngumiti Ang Langit sa Marach 25, pagkatapos ng It's Showtime, kapalit ng PlayHouse