• Home
  • Fresh Scoops
  • Matteo Guidicelli, nilinaw na wala silang tampuhan ni Sarah Geronimo ngayon

Matteo Guidicelli, nilinaw na wala silang tampuhan ni Sarah Geronimo ngayon

"Bulletproof kami ni Sarah," biro ni Matteo Guidicelli nang tinanong kung totoong nagkatampuhan sila ng girlfriend.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/11/2019 2:57 PM
Matteo Guidicelli, nilinaw na wala silang tampuhan ni Sarah Geronimo ngayon


Photo credit: @matteog on Instagram (R)

Nagkaroon ng pre-birthday celebration ang Kapamilya actor at triathlete na si Matteo Guidicelli sa episode ng Magandang Buhay ngayon, March 11. Sa naturang episode ay ipinaliwanag ni Matteo ang dahilan ng kanyang paglipat ng management mula sa Star Magic papuntang Viva, noong nakaraang buwan.

"I'm very very thankful sa eight years na naging parte ako ng Star Magic.

"The reason of me to move is because, my relationship with Sarah is very serious and hopefully things go as planned. We planned to be in the same management also," paliwanag ni Matteo sa mga momshie hosts. 

 

PHOTOS: Matteo Guidicelli signs with Viva Artists Agency

Samantala, sa episode din ng morning talk show ay nilinaw ni Matteo ang isyu na nagkaroon sila ni Sarah ng tampuhan matapos subukan ng aktor ang Skydiving sa Pangasinan, dalawang linggo ang nakakaraan. 

"Wala namang tampuhan. Bulletproof kami ni Sarah," biro ni Matteo sa mga momshie hosts.

LOOK: Matteo Guidicelli tries sky diving for the first time

Watch: Matteo shouts ‘I love you Sarah’ while sky diving

 

 

Dagdag ni Matteo, ang pagsubok niya ng Skydiving ay paraan niya ng pagpo-promote ng local sports sa Pangasinan, na organisado ng Filipino army at Special Forces. 

"We wanna show that its safe, and people can do it. And people don't have to travel abroad to do it, and they can do it here," ani Matteo.