• Home
  • Fresh Scoops
  • James Reid nagreact na sa isyung di siya bagay na judge sa ‘Idol Philippines’

James Reid nagreact na sa isyung di siya bagay na judge sa ‘Idol Philippines’

Sinabi ni James Reid na hesitant siya noong una niyang tinanggap ang trabaho bilang judge ng talent show.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/11/2019 9:23 AM
James Reid nagreact na sa isyung di siya bagay na judge sa ‘Idol Philippines’


Sa appearance niya sa Gandang Gabi Vice kagabi, March 10, napagusapan ni James Reid at Vice Ganda ang isyu tungkol sa pagiging judge nila ng talent competition na Idol Philippines.

Marami ang kumukwestiyon sa abilidad ni James bilang judge kung saan kasama niya sa panel sina Regine Velasquez, Moira dela Torre at Vice. 

 

Aminado naman si James na may hesitation siya nang tanggapin ang project.  

"At first super hesistant. I know there's a lot of stuff on social media, actually di ko pa nakita... I don't even check it kasi alam ko na yung mga tweets nila, alam ko na what's it going to say," sabi ni James. 

"But I have my own insecurities being a judge, being inexperienced, being young. But I think they picked me because I made it in my own area in show business.." sambit pa niya.  

 

Dagdag naman ni Vice, na isa rin sa judges ng talent show, na-exceed ni James ang expectation ng lahat sa kanilang unang taping. 

"Nagtape na po kami ng first few episodes nung auditions at ang saya-saya namin. Gusto ko lang sabihin na na-exceed mo ang expectations ng madami. You did a great job," sabi ng TV host kay James.