• Home
  • Fresh Scoops
  • LGBTQ couple na sina Mitch at Dudz, planong magkaroon ng baby number two

LGBTQ couple na sina Mitch at Dudz, planong magkaroon ng baby number two

Emosyonal din ang Ex-PBB Housemate na si Mitch Talao sa mensahe ng kanyang asawa na si Dudz Ching.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/1/2019 11:01 AM
LGBTQ couple na sina Mitch at Dudz, planong magkaroon ng baby number two


Photo credit: @_magandangbuhay IG

Matapos ma-evict mula sa Pinoy Big Brother OTSO noong Linggo, nakasama ni Mitch Talao sina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal sa episode ng Magandang Buhay noong February 28. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Love knows no gender talaga! Patunay nyan ang pagmamahalan ni Mitch and Dudz! #MBFAMngarap

A post shared by Magandang Buhay (@_magandangbuhay) on

Sa naturang programa ay naging emosyonal ang transgender mom matapos magbigay ng mensahe sa kanya ang asawa na si Dudz Ching, kasama ang kanilang anak na si Eros.

"Napaka-responsible niya, talo niya pa yung tunay na lalaki," sabi ni Dudz, na nagpaluha kay Mitch na sumagot, "Kasi sobrang na-appreciate niya ako simula nang nagsama kami. Kahit maraming tao ang nanghuhusga sa amin, hindi naman maiiwasan talaga pero wala hindi namin talaga pinansin yun."

Nag-trending ang kasal nina Mitch at Dudz na ginanap mismo sa loob ng PBB House noong February 3, ilang araw matapos ang sorpresang proposal ni Dudz kay Mitch, sa loob din ng bahay ni Kuya. 

READ: Transgender mom Mitch Talao marries partner Dudz Ibañez inside the PBB house

Kasama ang anak na si Eros, sinabi ng mag-asawa sa mga hosts na pangarap talaga nilang ang ikasal. "Sobrang pinangarap ko po talagang ikasal kami na naka-gown. Hindi ko po talaga expected na sa PBB pa kami ikakasal, grabe feeling ko Big Winner na ako 'non, 

"Hindi man po ako nanalo sa PBB, (pero) yung magkaroon po ng pamilya, na may mapagmahal akong asawa at cute na anak, sobrang panalong-panalo na po talaga ako," sabi ni Mitch.  

Sa parehong episode din ay inamin nina Mitch at Dudz na plano nilang magkaroon ng isa pang anak. 

"Plano po talaga naming sundan si Eros. Hindi man po baby boy or baby girl, kahit ano pong gusto ni Lord, basta healthy na baby po," sabi ni Mitch.