• Home
  • Fresh Scoops
  • Jennica Garcia shares delicate pregnancy experience with her first baby

Jennica Garcia shares delicate pregnancy experience with her first baby

Jennica Garcia admits to be “heavily smoking and drinking” until she learned she was already pregnant with her first baby Athena Mori.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/1/2019 4:45 PM
Jennica Garcia shares delicate pregnancy experience with her first baby


Naging informative ang episode ng Magadang Buhay ngayong March 1 kasama ang mga celebrity guests na sina Jennica Garcia, Lara Quigaman, at Donna Cariaga.

Bukod sa dalawang espesyalista na nagbigay ng tips para maiwasan ang dengue, tigdas, at maging ang trending na MOMO Challenge sa internet, nagbahagi rin ang aktres na si Jennica ng kanyang momshie hacks gamit ang bawang. 

"Kasi garlic, it's a natural antibiotic. Para sa mga nanay na hindi rin masyadong mabigay ng mga over-the-counter medicine, okay din ‘yun. Ginger tea, okay din ‘yun, it reduces fever also," sabi ni Jennica na ibinahagi rin sa mga momshie-hosts kung paano niya tinitimpla at hinahalo sa honey at buko. 

 

Sa parehong episode rin ay naging bukas si Jennica sa pagku-kwento ng pinagdaanang “threatened abortion” noong nagbubuntis siya sa unang anak. 

"When I was pregnant with Mori, I was heavily smoking and drinking. Eh ang iniinom ko pa naman (noon), hindi ako ma-beer, mga hard pa ang mga gusto kong iniinom," pag-amin ni Jennica sa mga momshie-hosts.

"'Nung ikinasal kami ni Alwyn ng February, October nalaman ko na pregnant ako, hindi ko alam. So threatened abortion ako ‘nung buntis ako kay Mori.” 

"So siyempre ang konsensya natin, ayan two months na wala pang heartbeat ‘yung anak ko, wala pa siyang heart to be exact na dapat at two months may heart na ‘yung baby mo," kwento ni Jennica na sinabing iniyakan niya noon ang pinagdadaanan kaya't nagkusa siyang pag-aralan at pumili ng doktor para alagaan ang sinapupunan. 

WATCH: Jennica, inaming umiinom at naninigarilyo siya noong di niya alam na nagbubuntis siya kay Mori

 

READ: Jennica Garcia tells fellow mothers not to compare themselves to social media moms

LOOK: Couple Jennica Garcia and Alwyn Uytingco celebrate anniversary in Divisoria

Taong 2014 nang ikinasal si Jennica sa aktor na si Alwyn Uytingco. Sa ngayon ay may dalawang anak na sila, sina Athena Mori at Alessi.