• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Marcus Madrigal ibinahagi ang hirap nung mawala sa showbiz

EXCLUSIVE: Marcus Madrigal ibinahagi ang hirap nung mawala sa showbiz

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

3/1/2019 10:55 AM
EXCLUSIVE: Marcus Madrigal ibinahagi ang hirap nung mawala sa showbiz


Photo credit: Star Magic Pinterest

Three years na nasa Dubai ang aktor na si Marcus Madrigal para magtrabaho bilang chef. Nagdesisyon siyang magtrabaho abroad nung panahong wala nang masyadong offer sa kanya sa telebisyon at pelikula.

Ilan sa mga hindi malilimutang pelikula na ginawa noon ni Marcus ay ang Pila Balde, Live Show, at Sisa.

Kuwento ng aktor, “After kong mag-culinary, awa ng Diyos pumasa naman ako, nagbarko ako, sumakay ako sa cruise. Sinubukan ko lang actually, kaso napakahirap.

“Mahirap kasi the whole contract walang day-off. Minsan 17 hours yung work mo. But it’s a nice experience eto work internationally, pero mahirap talaga.

“Nag-try din ako ng iba-iba pang trabaho. Nag-try ako sa hotel. Nag-try ako sa restaurant.”

Kinailangan daw niyang umuwi ng Pilipinas dahil namatay ang brother niya.

“Nag-decide akong umuwi kasi namatay yung brother ko. So, wala nang mag-aalaga sa parents ko kaya nag-decide na akong umuwi, kasi yung dalawang kapatid ko may pamilya na rin sa ibang bansa,” bulalas niya.

Pero hindi na raw siya nag-i-expect na makakabalik pa sa showbiz. Tanggap raw niya na tapos na yung panahon niya noon.

Naniniwala rin si Marcus na kailangan talaga ng mga artistang kagaya niya ang magkaroon ng fall back lalo na kung walang trabaho sa showbiz.

“Oo. Kasi sa dami ng artista ngayon. Bigla-bigla na din lang magkakaroon ng bagong artista, so kailangan mo talagang magkaroon ng ibang trabaho, na hindi mo iaasa lang sa showbiz ang yung kikitain mo.

“Kailangan kasi na… yung iba kasi minsan, kapag naging artista na, hindi na nila kayang gawin yung normal na trabaho, eh. Paano na lang kung wala kang taping, walang kumukuha sa ‘yo tapos wala kang alam na ibang trabaho? Saan ka kukuha ng pera, di ba?

“Kaya importanteng meron kang alam na ibang puwedeng gawin. Mahirap umasa sa showbiz lalo na sa panahon ngayon,” sambit niya.

Dugtong ni Marcus, “Yung pagsakay ko nga sa barko, yung pagiging seaman, walang OJT yon kaya sobrang hirap talaga. Nagulat ako sa hirap, pero almost one month lang siguro nakapag-adjust na rin ako. Sa simula lang naman mahirap, lahat naman mahirap pero masasanay ka rin.”

Muling sumabak sa pag-arte si Marcus sa pelikulang Rainbow’s Sunset na entry sa 2018 Metro Manila Film Festival bilang corrupt na asawa ni Aiko Melendez. Nagkaroon na rin siya ng ilang TV guestings at napasama sa iba pang indie films na ipapalabas na rin sa mga susunod na buwan.

“Awa ng Diyos, may mga dumarating namang trabaho sa showbiz. Binabalanse ko na lang ang oras ko sa work ko bilang chef at bilang aktor,” huling pahayag ni Marcus