• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Jolina Magdangal is a proud advocate of breastfeeding

EXCLUSIVE: Jolina Magdangal is a proud advocate of breastfeeding

‘Walang nakakahiya kung nasa tama ka,’ Jolina Magdangal encourages more mommies to choose to breastfeed.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/1/2019 11:57 AM
EXCLUSIVE: Jolina Magdangal is a proud advocate of breastfeeding


Photo credit: @mariajolina_ig IG

Habang naghahanda para suportahan ang kanyang Magandang Buhay co-host Karla Estrada sa Familia Blondina premiere night noong Martes, February 26, ibinahagi ni Jolina Magdangal ang pagiging advocate niya sa pagbe-breastfeed.

"Para sa mga mommies, yun (breastfeeding) ang pampalakas ng loob ba. Kasi hirap magpa-dede ah, mahirap magpa breastfeed. So parang powers natin ‘to," pahayag ni Jolina sa PUSH.

Ayon sa aktres at singer, pinangako niya sa sarili niya na pipiliin niyang mag-breastfeed kapag siya ay nagka-anak na. "Bago pa akong naging nanay, sinabi ko na sa sarili ko na magpapadede ako. So nung natupad ko siya kay Pele, itinuloy tuloy ko na," sabi ni Jolina na ngayon ay may dalawang anak na sina Pele at Vika.

Nang tinanong naman ang aktres kung ano ang mapapayo niya para sa mga ina na nahihiyang mag-breastfeed sa pampublikong lugar, "Sa mga nanay, wag kayong mahiya, kasi kung kailangan talaga mag-dede ng mga anak niyo ‘di ba? Pero make sure lang na andun lahat yung mga things para naman din kagalang-galang tayong mga nanay na nagpapadede. 

"Puuwede kayong magcover, ang daming magagandang cover na pupwede. May mga damit na di mo akalain na makakapagpa-dede ka na. Walang nakitang kahit ano pero kasama ng fashion mo," paliwanag ni Jolina.

"Kasi nagpapa-breast feed (din) ako in public, pero naka-cover ako," dagdag niya.

Samantala, kasalukuyang naghihintay na lang daw ng storyline si Jolina at ang dating ka-love team na si Marvin Agustin para matuloy ang inaabangang pelikula nila