• Home
  • Fresh Scoops
  • Ex-PBB Housemate Wakim’s mom says he’s just misunderstood

Ex-PBB Housemate Wakim’s mom says he’s just misunderstood

Ipinaliwanag ng ina ni Wakim ang kondition ng anak, bilang may ADHD (Attention Deficit/Hyperactivity Disorder).

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

3/1/2019 10:43 AM
Ex-PBB Housemate Wakim’s mom says he’s just misunderstood


Ipinaliwanag ng Pinoy Big Brother OTSO Batch 2 ex-housemate na si Joachim "Wakim" Regalado sa episode ng Magadang Buhay, February 28, ang dahilan niya sa pagsali sa nasabing reality show.

"People who have a lot of influence also have a responsibility, kasi we have a lot of impact on the moral fabric of society, on how people view you.

"(PBB) is a representation of - ng lipunan. So I wanted to be a good influence. And as a teen, I wanted to uplift the name ng PBB Teens na wala nang bad connotations sa PBB Teens, because I'm an advocate of youth empowerment. So it was really about me," pahayag ni Wakim sa mga momshie hosts. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Thank you, Wakim! 💛 #MBFAMngarap

A post shared by Magandang Buhay (@_magandangbuhay) on

Inamin ng 19-year old housemate na alam niyang madalas siyang hindi naiintidihan ng marami. "My way of saying things siguro may not be as easily comprehended as I would like it to be. So I feel like, as a reader and someone who likes learning a lot, its important to learn new words to express yourself better in any language. 

"Siguro yung spirit of what I say may not always be captured, but I always have the best intention, I promise," paliwanag ni Wakim.

Kasama ang kanyang ina na si Mommy Nellie, ipinaliwanag nila sa mga manunuod ang kondisyon ni Wakim, bilang may ADHD o Attention Deficit/Hyperactivity Disorder.

"Yung kay Wakim, we noticed na he was always getting sick at that time, so akala namin there was something wrong lang kasi nag-a-act up, minsan nagta-trantums, minsan ay hyper-active," pahayag ni Mommy Nellie, na unang nalaman ang kondisyon ng anak noong six-years old pa lamang ito.

Ayon pa sa ina, nagkusa siyang pag-aralan ang kondisyon ng anak, gawa ng kulang na espesyalistang doktor noon, sa kanilang lugar sa Iloilo. "The most important thing that you have to do first is when you notice something about your child, wag ka nang matakot, wag ka nang mahiya, no hesitations, mas mabuti nang malaman ng earlier 'di ba... And they have to know also, what's going on with them," kwento ng ina.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Help save Wakim! BB WAKIM to 2366 #WakimOnPBB #WakimRegalado #Wakim #BBWakim

A post shared by Wakim Regalado (PBB) (@pbbwakimregalado) on

Ang kondisyon na ito ni Wakim ang naging motibasyon niya para mag-aral nang mabuti. "That's what kind of pushed me din to do well academically. Kasi that was the time when mom also told me about my IQ, and so I had the potential to do well in school because I was intelligent. But because of my ADHD, it was a big hurdle, that's what made me work harder din," sabi ni Wakim.

Na-evict si Wakim mula sa PBB House noong Linggo, February 24, kasabay ang transgender mom housemate na si Mitch Talao.