• Home
  • Fresh Scoops
  • Sperm donor ng anak ni Ice Seguerra, hawig daw ni Liam Hemsworth?

Sperm donor ng anak ni Ice Seguerra, hawig daw ni Liam Hemsworth?

Inilarawan din ni Liza Diño ang naging proseso ng kanilang paghahanap ng sperm donor.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/9/2019 10:17 AM
Sperm donor ng anak ni Ice Seguerra, hawig daw ni Liam Hemsworth?


Photos credit: @lizadino and @liamhemsworth IG

Kasabay ng paglalatag ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ng kanilang mga programa ngayong 2019, nagbigay ng update din si Liza Diño Seguerra sa kanyang personal na buhay kabilang na ang planong pagkakaroon nila ng baby ng partner niyang si Ice Seguerra.

Matatandaan na kamakailan, inanunsyo ni Ice ang kanyang planong pagkakaroon ng anak kay Liza na magkukumpleto sa kanilang relasyon bilang mag-asawa.

READ: Ice Seguerra names local celebs he wants to be sperm donors

READ: Ice Seguerra, ipinaliwanag ang magiging proseso ng pagdadalang-tao ni Liza Dino

Nitong Huwebes, Pebrero 7, hindi napigilan na maitanong ng press kung ano na ang update sa pagbuo nila ng baby ni Ice sa tulong ng in vitro fertilization.

“There are three phases that Ice and I need to go through right now. Ang first phase is ma-harvest yung egg niya, dahil his DNA, egg cell niya ‘yung gagamitin,” kuwento ni Liza sa press.

“The next phase is we found a sperm donor and the sperm donor, i-ta-transmit ‘yung vial na ‘yun para ma-fertilize ‘yung egg (saan gagawin ang process?) Sa Malaysia,” patuloy pa niya.

“Ang implantation po, we’re deciding if I’m going to Malaysia, or dito po dadalhin, (Bakit sa Malaysia?) Kasi May mga ethical reasons po dito sa Pilipinas kasi nakakalungkot po na sarili nating bansa,” aniya.

Inilarawan din ni Liza ang naging proseso ng paghahanap nila ni sperm donor ni Ice para sa kanilang magiging baby.

Paglalarawan pa ni Liza, maikukumpara niya ang paghahanap ng sperm donor sa isang dating site.

“May profile parang dating website, si Donor 1575,(laughs). Blue eyes, kamukha daw ni Liam Hemsworth (laugh) atsaka six footer (laughs) para makuha yun kasi si Ice hindi naman katangkaran, (laughs) gusto namin matangakad,” masayang kuwento niya.

“But yeah Caucasian, Czech Russian yung background,” pahayag pa niya.

Inaasahan na sa kabila ng hectic na schedule ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) bibigyang oras pa din ni Ice at Liza ang kanilang pangarap na pagbuo ng sariling pamilya.