OPM icons, saludo sa husay ng bagong Pinoy singers

OPM icons, masaya na binibigyan buhay muli ng mga contestant ng TNT ang kanilang mga awit.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

2/9/2019 11:11 AM
OPM icons, saludo sa husay ng bagong Pinoy singers


Photos credit: @thetntboys @mrbasilvaldez and @garyvalenciano IG

Bagong karangalan ang naibigay ng TNT Boys sa Pilipinas matapos umani nang papuri sa The World’s Best na isang international reality show.

Dahil dito, ilan sa mga OPM icons ang saludo sa Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime kung saan nagsisimula ngayon ang mga baguhang singers.

Una na dito si Basil Valdez at Kuh Ledesma na aminadong saludo sa raw talents na kanilang napapanuod.
 
“Natutuwa ako that they’re singing it. Kaya nga hindi ako nag-ja-judge kasi ang gagaling nila. Ang hirap i-judge,” sabi ni Basil.

“A lot of young singers now are doing so well. Ang gagaling nila,” sabi naman ni Kuh.

Ang original singer ng timeless OPM classics na si Marco Sison amindong tagasubaybay ng “TNT” tuwing hapon sa It’s Showtime.

“Ang dami ko versions na nakita, may nakita pa ako na-gong. Pero thank you po sa pag-appreciate ng kanta. I’m so happy na dahil sa inyong mga umaawit, patuloy pa din kami na nakikilala,” sabi pa ni Marco Sison.

Si Mr. Pure Energy Gary Valenciano naman madalas napapanuod sa TNT ang performance at talento ang pinapahalagahan sa isang contestant.

“…It’s nice that they choose my songs at nagiging reminder sa akin na sa mga bata na kumakanta nagkakaroon pa rin ng effect ang mga kanta ko,” pahayag pa ni Gary V