• Home
  • Fresh Scoops
  • Matteo Guidicelli, ipinaliwanag ang suot na singsing ni Sarah Geronimo

Matteo Guidicelli, ipinaliwanag ang suot na singsing ni Sarah Geronimo

Sinagot na ni Matteo ang chismis na engaged na sila umano ng girlfriend na si Sarah Geronimo.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/9/2019 11:39 AM
Matteo Guidicelli, ipinaliwanag ang suot na singsing ni Sarah Geronimo


Kasabay ng naging pagpirma sa Viva Artist Agency, looking forward ngayon si Matteo Guidicelli sa mga proyektong kanyang gagawin kasama ang ilan sa mga contract stars ng bagong management.

READ: Sarah-Matteo movie, posible na nga bang matuloy?

Kuwento ni Matteo sa naging panayam ng press sa kanya bukas siya na makasama ang ilan sa mga bituin para sa kanyang mga magiging proyekto.

“Anne Curtis, Yassi (Pressman). Of course Nadine (Lustre) and Cristine (Reyes) also, she has a new project coming out. But we’ll see. I still have to meet boss Vic (Del Rosario) and discuss also what direction I’m gonna take if it’s gonna be on that kumbaga pair with other female artists or something else,” ani Matteo.

Aniya, todo din ang naging suporta sa kanya ng girlfriend na si Sarah Geronimo sa kanyang mga desisyon pagdating sa kanyang karera.

“Supportive naman si Sarah, she’s very very supportive like with my show the ither weekend she was there. She congratulated me in advance for this,” aniya.

Hindi din naiwasan na mapag-usapan ang viral kiss ni Matteo kay Sarah na naganap sa kanyang successful concert kamakailan.

“Ah she’s very supportive and I’m very thankful to that, na shock nga ako that she’s there. (you did not know?) I did know that she’s coming but I didn’t insist. She came and she really supported me kumbaga,” sabi pa niya.

Bago pa man daw ang kanyang management transfer, napag-usapan na din nila ni Sarah ang kanyang desisyon sa kanyang career.

“Of course, she’s a big part of my moving and doing this change and leave. We both thought this is best decision for each other, specially we’re growing together, and we’re getting older together,” tugon niya sa press.

Sa kanila namang mas open na relasyon, hindi naman itinanggi ni Matteo na patuloy pa din nila na kinikilala ang isa’t isa.

“Siyempre we’ve been several years together, the relationship has mature and I think it is still maturing, it’s not yet perfect and it’s never gonna be perfect. You know we’ve been learning so much from each other and Sarah has grown to be a strong and independent woman and she is continuing to do that,” pahayag pa ni Matteo.

Dito, hindi din naiwasan na maitanong kay Matteo kung siya ba ang nagbigay ng singsing na suot ni Sarah.

"No, it's too small," natatawang sagot ni Matteo. 

Panoorin ang kabuoan ng sagot niya dito: