• Home
  • Fresh Scoops
  • Matapos ang ‘PBB’, Seth Fedelin, ramdam ang malaking pagbabago sa buhay

Matapos ang ‘PBB’, Seth Fedelin, ramdam ang malaking pagbabago sa buhay

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

2/9/2019 11:20 AM
Matapos ang ‘PBB’, Seth Fedelin, ramdam ang malaking pagbabago sa buhay


Unti-unti nang nakikilala ngayon ang “Hope Pool Son ng Cavite” na si Seth Fedelin matapos ang kanyang pagtigil sa Pinoy Big Brother house.

Ngayong dahan-dahan nang pinapasok ang mundo ng showbiz at nakikilala ng fans, aminado si Seth na hindi pa din siya sanay sa nakukuhang atensyon.

“Sa ngayon po kinakabahan talaga ako (hindi ka pa sanay?) hindi pa po! Nami-miss ko po yung pang araw-araw na ginagawa ko yung pagsakay sa jeep paggala ganun po,” sabi pa ni Seth.

Madalas din na masabihan noon pa man na may pagkakahawig siya kay Daniel Padilla. Dahil dito, flattered si Seth dahil inspirasyon niya ang tagumpay ng idolo sa showbiz.

“Ayun po sobrang masaya po dahil nasasabihan nila ako ng ganun po pero sa akin po si kuya Daniel po ay si kuya Daniel na... si kuya Daniel inspirasyon ko po,” kuwento pa ni Seth.

Naibahagi din ni Seth ang mga una niyang gustong ipundar para sa kanyang mga mahal sa buhay.

“Unang una ko gusto magkaroon bahay po para sa pamilya ko tsaka na yung sa akin po,” pahayag pa niya.

Pelikula, telerserye at ilang product endorsement ang mga nakatakdang gawin ni Seth bilang simula ng kanyang showbiz career