• Home
  • Fresh Scoops
  • Alex Gonzaga, Cristine Reyes, bagong makakasama ni Xian Lim sa pelikula

Alex Gonzaga, Cristine Reyes, bagong makakasama ni Xian Lim sa pelikula

Biyaheng Russia ngayong buwan si Xian Lim para sa kanyang proyekto.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/9/2019 10:30 AM
Alex Gonzaga, Cristine Reyes, bagong makakasama ni Xian Lim sa pelikula


Photos credit: @xianlimm IG

Matapos ang pre-Valentine’s Day movie ng VIVA films na Hanggang Kailan, todo paghahanda na ngayon para sa panibagong pelikula ang aktor na si Xian Lim.

Una na dito ang isang pelikula kasama si Cristine Reyes na unang beses niya makakasama sa isang pelikula.

Image courtesy: @xianlimm on Instagram

“After this movie, a couple of weeks or two, we’re going to Georgia, Russia. Tapos meron kami pelikula ni Cristine Reyes. ‘Yun something new naman,” kuwento ni Xian sa naging panayam ng PUSH.

Isa din sa paghahanda ni Xian ang new look para sa nasabing proyekto.

“Ibang Xian naman, kahit ako nga hindi ko na makilala ang sarili ko,” aniya.

Matipid man sa pagbibigay ng detalye, sinigurado naman ng aktor na dapat abangan ang kanilang proyekto.

“Hintayin natin kahit ako hindi ko pa puwede sabihin. It’s under the direction of Direk Sig (Sigrid Andrea Bernardo) from Kita Kita so this one is definitely a different kind of love story,” pahayag pa ng aktor.

Bukod sa proyekto kasama si Cristine, may isa pang pelikula si Xian kung saan makakasama niya si Alex Gonzaga.

Image courtesy: @xianlimm on Instagram