Sarah-Matteo movie, posible na nga bang matuloy?

Pumirma na ng exclusive management contract si Matteo Guidicelli sa Viva Films matapos ang kanyang contract sa Star Magic.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/8/2019 4:20 PM
Sarah-Matteo movie, posible na nga bang matuloy?


Pumirma na ng exclusive management contract ang former Star Magic artist na si Matteo Guidicelli sa Viva Artist Agency.

Dito inamin ni Matteo na malaking factor sa kanyang naging desisyon ng pagpapalit ng management ang girlfriend na si Sarah Geronimo.

 

“You know I’m 28 years old already, siyempre every little detail there’s a factor of course and Sarah is part of this, so I think this was the best decision I’ve decided to make,” ani Matteo nitong Biyerenes sa naganap na contract signing niya sa VIVA Artist Agency.

Kuwento pa ni Matteo, grateful siya sa naging naitulong sa kanya ng kanyang dating management team sa Star Magic.

“I’m very very thankful for everything from the start from the first day na tinawagan ako ni Tita Mariole (Alberto, head ng Star Magic) na binigay sa akin ang ‘Agua Bendita’ at lahat-lahat, you know it wasn’t an easy decision but it was something very important for myself,” ani ng aktor na 16 years ding namalagi sa poder ng Star Magic.

Kung tatanungin naman si Vic Del Rosario ng Viva Artist Agency, suportado nila si Matteo at Sarah sa posibleng pagsasama nito sa isang proyekto.

 

Sa kanyang pagpirma, magkasabay na  gawin ni Matteo ang isang pelikula at album.