• Home
  • Fresh Scoops
  • Miss Q and A finalists, isusuot ang brand ng sapatos nina Catriona Gray at Karen Gallman

Miss Q and A finalists, isusuot ang brand ng sapatos nina Catriona Gray at Karen Gallman

Miss Q and A finalists, excited isuot ang Jojo Bragais shoes na gamit din nina Catriona Gray at Karen Gallman nang manalo sila.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

2/8/2019 10:43 AM
Miss Q and A finalists, isusuot ang brand ng sapatos nina Catriona Gray at Karen Gallman


Photo credit: @catriona_gray/ @karen_gallman on IG

All out ang paghahanda ng mga finalists para sa coronation night ng second season ng Miss Q and A sa It’s Showtime. Kabilang sa full pageant experience ng mga kasali ang makapagsuot ng Jojo Bragais shoes na siya ring gamit nina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Miss Intercontinental 2018 Karen Gallman nang manalo sila. 

READ: Miss International beauties sa sapatero ni Catriona Gray nagpagawa ng sapatos

READ: Tyra Banks purchases shoes made by Catriona Gray’s collaborator

Sa interview ni Mario Dumaual para sa TV Patrol kay Binibining Pilipinas 2016 Nicole Cordoves na isa rin sa mga judges sa Miss Q and A, sinabi nito na nasasabik ang mga “bekis” na magsuot ng Bragais shoes. “Nae-excite yung mga bekis kasi si Jojo Bragais yung tatak talaga ng mga beauty queens,” sabi ni Nicole.

Proud rin si Nicole dahil diumano tumatak ang Miss Q and A sa pageant industry. Markado rin ang galing ng mga kandidato sa pagsagot sa minsan imposibleng mga tanong. Dagdag ni Nicole sa hinahanap niyang katangian ng Miss Q and A ngayong season, “Kailangan personality… you’re funny, and intelligent at the same time. Gusto ko glamazon talaga. Gusto ko drag talaga tapos may karakter… all out.”

20 candidates ang maglalaban sa February 23 sa Araneta Coliseum. Bukod kay Nicole at ang It’s Showtime hosts, magiging judge din ang mga bigating celebrity at personalidad katulad nina Charo Santos, James Reid, Nadine Lustre, Maymay Entrata, at Boy Abunda. 

Bukod sa brand new crown, mag-uuwi rin ng brand new car at trip for two to Korea ang tatanhghaling Miss Q and A 2019