• Home
  • Fresh Scoops
  • Karla Estrada, handa na bang maging manugang si Kathryn Bernardo?

Karla Estrada, handa na bang maging manugang si Kathryn Bernardo?

Sinabi ni Karla na alam niyang bago gumawa ng major decision ang kanyang anak ay magkukonsulta ito sa kanya.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/8/2019 2:40 PM
Karla Estrada, handa na bang maging manugang si Kathryn Bernardo?


Tila walang tutol si Queen Mother Karla Estrada kung pag-uusapan na ang kasalanan sa pagitan ng kanyang anak na si Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Kasunod ng pinag-usapang marriage proposal umano ni Daniel kay Kathryn kamakailan sa kanilang naging bakasyon sa Japan.

READ: Wait, what? Are Daniel Padilla and Kathryn Bernardo engaged?

Ayon kay Karla wala siyang tutol kung sakaling mauwi na sa kasalan ang pag-iibigan nina Daniel at Kathryn.

“Okay lang, wala naman akong (tutol) right age na sila, pero ‘yun nga ang sinasabi ko right maturity na ba. Nasa tamang desisyon dapat dumating lahat ‘yan, hindi naman parang hiniram mo lang tapos pwede mo isoli after,” kuwento ni Karla sa opening ng 11th branch ng Queen Mother Salon sa Malabon.

Aniya, alam niya na bago pa man gumawa si Daniel ng desisyon palagi pa din siyang kinokonsulta nito.

“Lagi, kasi alam naman niya ‘yun na hangga’t buhay ako hihingi padin siya ng advise sa akin,” aniya.

“Wala kasi sa right age, nasa right maturity ‘di ba? Ang mga lalaki alam naman natin na matagal sila mag-mature so well lahat naman (ang mga boys) minsan mayroon tayo, pumapalpak pa din tayo (decision) and yes hangga’t nandiyan ang parent natin dapat matuto tayo humingi ng advice,” paliwanag ni Karla.

Sa huli, binigyang linaw din ng Magandang Buhay host na isang  biruan lang ang naunang kumalat na proposal umano ni Daniel kay Kathryn.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

The heart wants what it wants💙💙

A post shared by Min Bernardo (@bernardomin) on

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#visitjapanphilippines #kathniellovesjapan

A post shared by Min Bernardo (@bernardomin) on

 

“Before yan mangyari, alam na namin na may biruan na magaganap it’s not even Kathryn and Daniel, si Do (Karla’s close friend) ‘yun ayan si Do ‘yun at si Tita Min (mommy ni Kathryn), nag-play time sila. I think play time lang, pure play time talaga,” pahayag pa ni Karla.