• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: JP Habac on developing ‘I'm Drunk, I Love You’ sequel: ‘Sila pa rin ang artista’

EXCLUSIVE: JP Habac on developing ‘I'm Drunk, I Love You’ sequel: ‘Sila pa rin ang artista’

Ni-reveal ni Direk JP Habac na may mga bagong artista na gaganap sa mga bagong karakter.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/8/2019 10:49 AM
EXCLUSIVE: JP Habac on developing ‘I'm Drunk, I Love You’ sequel: ‘Sila pa rin ang artista’


Photo credit: @jphabac on IG

Nagsisimula na sa paghahanda ang direktor na si JP Habac para sequel ng kanyang box office hit na I'm Drunk, I Love You (2017). Sa set visit ng shooting para sa Lights Camera Magic short film winner Viral Kids, ikinuwento ni JP Habac sa PUSH ang ilang detalye ng inaabangang Part 2 ng kanyang pelikula.

 

"Ngayon nasa division pa kami ng script. Target namin sana kung magiging smooth lahat ng development and pre-production, makapag-shoot kami siguro end of this year hopefully," pahayag ni JP na kasalukuyan ding may ginagawang iba pang proyekto para sa iWant. 

Ayon kay Habac, mananatiling sina Maja Salvador at Paulo Avelino ang magiging magka-tambal, at habang ang kwento ay naka-set seven years after. "Naka-set kasi yung I'm Drunk, I Love You ng 2015, so after seven years, 2022. So three years from now, hindi pa rin naman malayo," paliwanag ni Direk.

Habang binanggit na magkakaroon ng mga bagong karakter at bagong artista, naging matipid naman ang Sakaling Maging Tayo creator kung makakasama ang nag-trending na love-triangle na karakter ni Jasmine Curtis na si Pathy.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

I’m Drunk, I Love You. Character Posters

A post shared by JP Habac (@jphabac) on

Samantala, isang mentorship para sa Lights Camera Magic winner na si Arjanmar Rebeta ang pinagkakaabalahan ngayon ni JP. Siya at sina Mikhail Red at Victor Villanueva ang mga mentors sa tatlong winners sa nabanggit na film competition ng Star Magic. 

"Nag-suggest, nag-comment. Pero hinayaan ko siya na siya yung gumawa ng decision. When it comes to the story or the script, hindi ko siya diniktahan, kasi ako ayoko namang ginagawa sa akin yun as a filmmaker," pahayag ni JP na tinutukoy ang Viral Kids shortfilm at ang direktor nitong si Arjanmar.