Xian Lim at Louise Delos Reyes, nagka-ilangan sa pelikula?

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

2/7/2019 11:28 AM
Xian Lim at Louise Delos Reyes, nagka-ilangan sa pelikula?


Sabay na naglakad sa red carpet ang bagong tandem nina Xian Lim at Louise De Los Reyes para sa kanilang pelikula na Hanggang Kailan.

Kuwento ni Xian, ito ang unang pagsasama nila ni Louise at aminado na nagka-ilangan sila sa unang araw ng kanilang trabaho.

“First time namin nakita yung isa’t isa and it was really an awkward start, but I think doon sa mga small time constraint days namin we got along right away” sabi ni Xian.

Gaya ni Xian, hoping naman si Louise na magustuhan ng manunuod ang bagong tandem nila ni Xian.

“Mixed emotions ako right now kasi hindi pa nagsi-sink in na magso-showing na kami. Ngayon nag-premiere night na hindi ko alam kung ano magiging reaction ng mga tao sana magustuhan nila,” kuwento ni Louise.

Kinunan ng ilang mahahalagang eksena ng Hanggang Kailan sa Japan na nagustuhan ni Xian na bumagay sa kanilang proyekto.

“Ang ganda kasi ng Japan eh kahit saan ka magpunta and iba rin ang naibibigay niya sa story namin. I mean yung place itself is very interesting,” pahayag ng aktor.

Showing na ang Hanggang Kailan mula sa direksyon ni Bona Fajardo.