• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda, may special participation sa homecoming ni Catriona Gray?

Vice Ganda, may special participation sa homecoming ni Catriona Gray?

Isa si Vice Ganda sa mga nasasabik sa pagbabalik Pilipinas ni 2018 Miss Universe Catriona Gray.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/7/2019 11:22 AM
Vice Ganda, may special participation sa homecoming ni Catriona Gray?


Binigyang linaw ng Unkabogable star na si Vice Ganda ang matunog na special participation umano niya sa napipintong homecoming celebration ni 2018 Miss Universe Catriona Gray ngayong Pebrero.

READ: Binibining Pilipinas, punong abala sa pagbabalik Pilipinas ni Catriona Gray

“I heard, I was told, pero wala pang confirmation. Hindi pa sure pero alam ko parang meron,” kuwento ni Vice sa naging panayam ng PUSH nitong Martes, February 5, ng gabi sa video shoot ng The Songbird and The Songhorse concert para sa parating na Valentine’s Day.

Hindi pa man kumpirmado ang ilang detalye, aminado ang Unkabogable Star na isa siya siya sa mga nasasabik sa muling pagabablik Pilipinas ni Catriona Gray.

 

“Sana... Sana... Hindi ko alam e’ kung may schedule (for Showtime) na ganun pero kung totoo man, Sana (matuloy) kasi ang daming matutuwa. Ako personal matutuwa ako kapag nakita ko siya,” pahayag pa ni Vice.

Sa ngayon, abala si Vice sa nalalapit na concert kasama si Regine Velasquez ngayong Pebrero 14, 15. at 16 sa Araneta Coliseum.

Bukod sa three-night concert, naghahanda na din si Vice at ang It’s Showtime sa nalalapit na Grand Finals ng “Miss Q and A” ngayong Pebrero 23 na gaganapin din sa Araneta Coliseum.