• Home
  • Fresh Scoops
  • Jelay Pilones, nag-react dahil marami diumanong housemates ang may gustong siya ang maging Big Winner

Jelay Pilones, nag-react dahil marami diumanong housemates ang may gustong siya ang maging Big Winner

PBB Otso Teen Big Four Jelay Pilones: ‘Masipag po kasi ako sa loob at saka matatag po ako…’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

2/7/2019 8:59 AM
Jelay Pilones, nag-react dahil marami diumanong housemates ang may gustong siya ang maging Big Winner


Sa Tonight with Boy Abunda, ikinatuwa ni Pinoy Big Brother Teen Big Four Jelay Pilones nang malaman niya na karamihan sa ibang housemates ay siya ang pinipili para maging Big Winner. Ani Jelay, “Sobrang nakakatuwa kasi parang dun ko po mas napo-prove yung sarili ko po at saka naging totoo po kasi ako sa loob ng bahay ni Kuya…” 

Kaya din daw siguro siya ang napipisil maging Big Winner ay, “Masipag po kasi ako sa loob at saka matatag po ako… kung ano yung mga malalaking hamon po, lumalaban po ako…” 

Galing sa family of singers si Jelay at kuwento niya, “Bata pa lang po kami talagang yun na po yung source of income namin.” Siya rin daw ang nag-insist na sumama sa parents niya para pagkakitaan din niya ang pagkanta. “Ako po yung nagpumilit na magtrabaho po as a student kasi gustong-gusto ko rin po kumita,” ani Jelay.

Sa issue naman na plastic at backstabber siya, ang reaksyon ni Jelay ay, “Hindi po talaga totoo yan kasi noong nasa loob po kami ng bahay ni Kuya, naging mabait po ako sa kapwa housemate ko. At saka never po ako naging plastic.”

Pero naalala ni Jelay na noong nomination ay sinabi din ng isang housemate na si Reign Parani na plastic siya pero hindi na rin daw nila ito napag-usapan ni Reign kasi “nung last part na rin mas naging close po kami.” 

Tinanong din siya kung ano ang gusto niyang tahakin na career path bilang talented si Jelay at pwedeng maging singer o aktres. Matangkad din siya kaya pwedeng maging beauty queen o model. Ang sagot naman ni Jelay ay, “Gusto ko pong lahat po, Tito Boy…” 

Para naman kay Jelay ang pinakagwapong housemate ay si “Kurt” (Gerona.)

Matatandaan na napansin na rin si Jelay noon dahil sa pagkakahawig nito kay Kim Chiu. 

WATCH: Here’s what Kim Chiu has to say about lookalike housemate Jelay Pilones