Ice Seguerra, titigil na nga ba sa pag-compose ng kanta?

Dahil pansalamatang natigil sa pagkanta, malaking adjustment ang ginagawa ni Ice Seguerra ngayon.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/7/2019 11:37 AM
Ice Seguerra, titigil na nga ba sa pag-compose ng kanta?


Hind itinanggi ng singer-songwriter na si Ice Seguerra na ramdam niya ang malaking pagbabago sa industriyang kanyang kinalakihan.

Kasunod ito nang pansamantala niyang pagliban noon ng ilang taon sa pagkanta matapos mailuklok bilang Chairperson ng National Youth Commission noong 2016.

READ: Ice Seguerra on quitting her government post: ‘Masaya akong kumakanta’

At sa kanyang muling pagbabalik sa mundo ng musika, aminado si Ice na mas na-e-enjoy niya ngayon ang kanyang ginagawa.

“I had this interview kanina, ’yun ang tanong niya. Kung ano ang plan ko (singing career). Honestly right now, I’m enjoying doing shows,” tugon ni Ice sa press sa Playlist: The Best Of OPM.

At kahit na tuluyan nang nakabalik, inamin ni Ice na ramdam pa din niya ang malaking adjustment bilang isang singer at songwriter.

“In terms of creating new music, I’m actually at a crossroads kasi when I left the industry for two years when I decided to join the government, ibang-iba. Simula noong pagbalik ko hanggang ngayon, ang daming pagbabago. Sobrang buhay na buhay at sobrang bago for me,” aniya.

“Andon ako sa, ‘Ano ba ang gusto ko gawin, ano ba ako ngayon, sino ba ako ngayon,’” patuloy pa niya.

Hiling ni Ice, na muling magbalik sa pagsusulat ang kanyang hilig na pansalamatalang natigil noon.

“Sabi ko nga, hopefully these guys inspire me more to create new ones, new music kasi napapansin ko ngayon ‘yung creative juice ko nagpo-flow siya in other platforms, in other things e not in music so hopefully bumalik doon,” pahayag pa niya. 

Sa ngayon, abala si Ice bilang isa sa mga mapapanuod sa Playlist: The Best of OPM sa darating na March 1 sa Araneta Coliseum.