• Home
  • Fresh Scoops
  • Bakit kinumbinsi noon ni Robin Padilla si Mariel Rodriguez na bumalik sa showbiz?

Bakit kinumbinsi noon ni Robin Padilla si Mariel Rodriguez na bumalik sa showbiz?

Aminado rin si Robin Padilla na mas seloso siya kaysa sa asawang si Mariel.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/7/2019 2:16 PM
Bakit kinumbinsi noon ni Robin Padilla si Mariel Rodriguez na bumalik sa showbiz?


Sa episode ng Magandang Buhay ngayong February 7, inamin ng action star na si Robin Padilla ang pagiging seloso sa kanyang 8-year partner na si Mariel Rodriguez. "Sa relasyon namin ni Mariel, ako ang problema niya eh. (Sa kanya) Wala akong masasabi. Kasi ako ang number one na seloso," kwento ni Robin sa mga momshie hosts.

 

"Gusto ko, ako lang ang pogi sa asawa ko. Halimbawa, nanonood ako ng TV (at) mayroon silang guest na ano, magte-text ako kaagad, 'Mas pogi ba sa akin 'yan?'" dagdag na pag-amin ni Robin na ikinatuwa naman ng mga hosts at audience.

"’Wag lang tuksuhan, magagalit na ako no'n, hindi na selos 'yon," pahabol na biro ng action star na tinutukoy ang programa ni Mariel na It's Showtime kung saan siya ay host.

Sa parehong episode din ng morning talk show ay ibinahagi ni Robin kung paano niya kinumbinsi na bumalik sa showbiz si Mariel.

"Hindi talaga gusto ni Mariel, gusto niyang maging nanay lang talaga 100%. Kaya lang yung pinag-daanan ni Mariel sa tatlong taon, dalawang beses siyang (nakunan) ng bata," kwento ni Robin habang inalala ang mga pinagdaanan ni Mariel bago ipinanganak si Maria Isabella. 

"Kaya po ako na mismo ang nagsabi kay Mariel, 'Babe, hindi ka ba babalik sa It's Showtime?' Kasi para sa akin, 'yun ang makakapagbigay sa kanya ulit ng saya. Kasi ayoko naman na matandaan yung asawa ko na naka-upo sa upuan na nag-iiniksyon. Gusto ko makita ko asawa ko, na ang ganda ganda niya sa It's Showtime," dagdag ni Robin na sinabing siya ang nag-aalaga sa anak kapag nasa trabaho si Mariel. 

 

Taong 2010 nang ikinasal si Robin at Mariel. Sa ngayon, may 3-year-old na anak na sila na pinangalanang Maria Isabelle. 

Sa isang video greeting naman, proud at nagpapasalamat si Mariel sa pag-aalaga ni Robin sa kanya sa kabila ng walong taon bilang mag-asawa. "Sobrang swerte ko talaga na ang napangasawa ko si Robin. I think it really help na mayroon kamin age difference. Mas matanda siya sa akin, so marunong talaga siyang mag-alaga," sabi ni Mariel na may 15 years na agwat sa edad ni Robin.

"He's the one who's keeping the fire sa aming marriage. Siya talaga," dagdag ni Mariel.