Winwyn Marquez, magbabalik nga ba sa Binibining Pilipinas?

Isa sa matunog na pangalan na lalaban sa beauty pageant ngayong taon ay ang 2017 Reyna Hispanoamericana Winwyn Marquez.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

2/6/2019 10:08 AM
Winwyn Marquez, magbabalik nga ba sa Binibining Pilipinas?


Photo credit: @teresitassen on IG

Sa muling pag arangkada ng Binibining Pilipinas ngayong 2019, ilan sa matutunog na pangalan ang inaasahan na muling magbabalik para sa koronang inaasam bilang susunod na Miss Universe Philippines.

At isa dito ang 2017 Reina Hispanoamericana na si Teresita "Winwyn" Marquez.

Sa panayam ng press sa beauty queen-actress sinabi nitong pinag-iisipan pa din niya ang muling pagsali sa Binibining Pilipinas.

“O my gosh, tingnan natin, abangan natin kung makikita niyo ako sa screening, so tingnan natin abangan nila,” sabi ni Winwyn.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

🙏 #presspresentation

A post shared by Teresita Ssen Winwyn Marquez (@teresitassen) on

 

“I am of course, I just have to weigh things out yun lang talaga sinasabi ko, kung magpakita ako sa screening sasali ako, kung hindi, hindi ako sasali," dagdag pa niya. 

Isa din sa mga inspirasyon ni Win ang patuloy na pagtitiwala ng mga tao sa kanyang kakayahan na itaas ang bandera ng Pilipinas sa international pageant arena.

“You know what I’m very very grateful, kasi from the fans na dati kong hater, na naging fans ngayon, hindi na nagba-bash sa Twitter o sa Facebook, even to some of my family members. Alam mo yun nag-message sila, hindi nawawala sa isip ko kahit anong gawin ko e but we have to see kasi maraming kailangan I-consider,” paliwanag pa niya.

“Pero I’m praying for something a sign o whatever pero kung mag start na ang screening and pag lumabas ako it means I’m trying” sabi pa ni Win.

Malaki din daw ang pasasalamat ni Win sa Reina Hispanoamericana organization na isa din sa nagtutulak sa kanya ngayon na sumali pa sa ibang pageant.

 

“Siyempre iyon din ang iniisip ko, kasi happy naman ako sa napanalunan ko, happy naman ako sa experience, happy ako sa tanggap ng tao. Nandun lang siguro yung na-miss ko ang stage and yung pag sinasabi ng tao, mapapaisip ka, e kung gagawin mo ba talaga o hindi,” pahayag pa niya.

Sa ngayon, isa pa lang si Winwyn sa mga matutunog na pangalan na inaasahan na muling sasali sa muling pagbubukas ng Binibining Pilipinas ngayong 2019.

2015 nang unang sumabak si Winwyn bilang isa sa mga kandidata ng Binibining Pilipinas kung saan kinoronahan si Pia Wurtzbach bilang Miss Universe Philippines.