• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda at Regine Velasquez, ibinahagi ang dapat abangan sa kanilang concert

Vice Ganda at Regine Velasquez, ibinahagi ang dapat abangan sa kanilang concert

All set na sina Vice Ganda at Regine Velasquez para sa kanilang unang concert together.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/6/2019 10:22 AM
Vice Ganda at Regine Velasquez, ibinahagi ang dapat abangan sa kanilang concert


Todo paghahanda na ang Unkabogable Star na si Vice Ganda kasama si Songbird Regine Velasquez para sa kanilang three-night concert sa Araneta na The Songbird and The Songhorse na magsisimula sa February 14.

 

Pre-production palang, puno na ng tawanan at kulitan sina Vice at Regine na isa sa mga dapat abangan sa kanilang mismong concert.

“Madami nang nagawa, pero siyempre this time around, sa akin naman siyempre ibang material since hindi naman puwedeng ulitin ng ulitin ang mga jokes dahil marami din ang umuulit na mga nanunod. Malalaman nila kung nagre-rehash lang ako ng jokes e. Magagalit naman sila mahal ang ticket,” bungad ni Vice.

“Meron mang ilan-ilan na paborito kong jokes na bibitawan na manggagaling sa akin kasi two years naman na ‘yung concert ko,” ani ng unkabogable star.

Todo paghahanda din para sa kanyang pasabog si Regine Velasquez na first time sasabak sa comedy-concert kasama si Vice Ganda.

“Sa akin ang bago kasi magkasama kaming dalawa. Hindi pa kami nagko-concert together so sa akin exciting ‘yung for the first time ‘yung concert may comedy. Sa ‘yo (vice ganda) hindi na masyadong bago kasi you do that pero sa akin bago ‘yun kaya I’m excited about that,” sabi pa ni Regine.

Napag-uusapan din kung paano ang magiging hatian ng performance.

“Siyempre the numbers will be complementing each other, so kung mayroon siyang monologue, wala akong monologue,” masayang kuwento ni Regine.

“Yung part niya, part niya ibinigay niya lahat. At mayroon din naman akong part na kung ano ‘yung i-expect sa akin ‘yun din ang ibibigay ko. Tapos may part na magkasama namin na gagawin,” sabi pa ni Vice.

Kuwento pa nina Regine at Vice, excited din sila dahil ito ang unang pagkakatoon na magkakaroon ng three consecutive night concert para sa isang local artist.

“First time talaga ito, mahirap kasing gumawa ng concert kahit isang gabi nga lang mahirap na e’ so ito tatlong gabi pa. So it is exciting but at the same time like you said nakaka pressure din,” paliwanag ni Regine.

“Initially I thought there’s too much pressure, kaya ayaw kong pumayag ng three nights muna. Sabi ko, ‘Ayaw ko, natatakot ako.’ Tapos sabi nila, ‘Anong kinakatakot mo e magkasama kayo ni Regine. Si Regine nga kayang-kaya punuuin ang two-night so isipin mo nalang-sa ‘yo ang one night, kay Regine ang two nights.’ ‘Ah, oo nga ‘no,’” patuloy na kuwento ni Vice.

“Surprisingly, ‘yung third night ang pinakamabilis naubos agad, ‘yung dinag-dag ang pinakamabilis naubos, sold out na ‘yung third night.”

Bukod sa intense performance level, asahan din ang patalbugan sa costume nina Vice at Regine sa mismong gabi ng kanilang concert.

Mapapanuod sina Vice at Regine sa The Songbird and The Songhorse mula February 14 hanggang 16 sa Smart Araneta Coliseum.