• Home
  • Fresh Scoops
  • Regine Velasquez on getting ‘upstaged’ by Luis Manzano: ‘I’m still not talking to him nga’

Regine Velasquez on getting ‘upstaged’ by Luis Manzano: ‘I’m still not talking to him nga’

Songbird Regine Velasquez, inamin na nagbo-voice lessons pa rin hanggang ngayon at inamin din na ‘masama ang loob’ kay Luis Manzano

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

2/5/2019 10:45 AM
Regine Velasquez on getting ‘upstaged’ by Luis Manzano: ‘I’m still not talking to him nga’


Inamin ni Regine Velasquez na hindi niya pa rin kinakausap si Kapamilya host Luis Manzano hanggang ngayon dahil sa in-upstage siya nito nang maka-duet niya ang host/comedian. Ani Regine sa Tonight with Boy Abunda, “I’m still not talking to him nga. I’m upset with him. Wala, waley. Siya lang ang tiningnan (ng mga tao).”

Natawa rin si Regine matapos nito at bumawi siya nang bigyan niya ng “100” na rating si Luis bilang singer. Kuwento pa ng Songbird tungkol kay Luis, “sobrang cute ni Luis. Nung nag-guest ako sa Australia, nung very first ASAP ko when I came back, he was with me the whole time kasi alam niya nahihiya ako and he would follow me around so that I have someone to talk to. And I appreciated that very much.”

Inamin din ng Songbird sa True and False segment ng programa na hanggang ngayon ay sumasailalim pa rin siya sa voice lessons. Paliwanag niya, “I just needed to relearn what I’ve learned before. Kalimutan yung mga naaral ko na and then yung ibang part alalahanin. Kasi nung nanganak ako…you forget.”

Pinaliwanag din niya kung bakit kailangan niyang kalimutan yung mga nakasanayan na niyang techniques. “Ang pinakamahirap sa akin e yung kalimutan yung nakasanayan ko na… it doesn’t fit me anymore because I’m older and my throat is different and I have to learn a new technique…. do different techniques so it doesn’t burden my throat so much,” sabi ni Regine.

Ayon kay Regine, kaya pa rin naman niyang gawin ang nakasanayang style ng pagkanta. “I can still do it for some songs, pero pinipili ko na kung ano yung kantang kailangang ganun…” 

Nalalapit na rin ang Valentine concert ni Regine kasama si Vice Ganda na may title na The Songbird and the Songhorse. Bukod sa spectacular na palabas ay kailangan daw abangan ang “fashion” sa concert nila ni Vice. 

READ: Vice Ganda, inaming binibigyan siya ng sapatos at damit ni Regine Velasquez noong hindi pa siya sikat