• Home
  • Fresh Scoops
  • Judges ng ‘World’s Best’ namangha sa pag-awit ng TNT Boys

Judges ng ‘World’s Best’ namangha sa pag-awit ng TNT Boys

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/5/2019 1:28 PM
Judges ng ‘World’s Best’ namangha sa pag-awit ng TNT Boys


Screenshots from The World's Best Facebook video

Muling itinaas ng TNT Boys ang bandera ng Pilipinas matapos umani ng papuri mula sa mga hurado ng American show na World’s Best. Matapos kantahin ang “Listen” ni Beyonce, nakapasok naman sila sa next round.

“You possess a gift. You’re just that good,” ani Drew Barrymore.

“First of all, you have some serious attitude. You’re so precious and so sweet but when you were singing, you were in that song, you were like, bam!” dagdag pa ng American judge na si Faith Hill.

Isa si Pops Fernandez sa mga hurado at sinabi niyang, “I am so proud right now to represent the Philippines. On behalf of the Filipinos, guess what? I know for a fact that you can be The World’s Best.

Labis naman ang galak nina Francis Concepcion, Mackie Empuerto, at Kiefer Sanchez sa magandang resulta ng kanilang performance. 

Bukod sa World’s Best ay nag-perform na rin sa ilang mga international shows ang TNT Boys tulad ng Little Big Shots UK, America, at Australia.