Enchong Dee, naniniwala sa swerte at malas

Ibinahagi ni Enchong Dee ang gagawing celebration ng kanyang pamilya sa Chinese New Year.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

2/5/2019 12:44 PM
Enchong Dee, naniniwala sa swerte at malas


Suwerte para kay Enchong Dee ang kulay pula kaya’t ito ang kulay na kanyang suot ng mag-renew siya ng kontrata bilang Kapamilya.

Dito, naikuwento din ni Enchong ang mga gagawin nila ng kanyang pamilya na kanilang tradisyon tuwing Chinese New Year.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

12 years and counting #Kapamilya ❤️😉

A post shared by Enchong Dee (@mr_enchongdee) on

“Susuotin ko ulit itong damit ko! Siguro just do the traditional things yung magparolyo ng mga prutas sa bahay,” sabi pa ni Enchong.

Dagdag pa ng Kapamilya star, nakakadagdag saya ang pag-celebrate nila ng Chinese New Year ng kanyang pamilya. Pero kailangan pa din magtrabaho para lumapit ang suwerte at positive energy.

“Hindi siya yung hardcore parang yung kung ano lang ang pwede namin magawa sa bahay, sige gawin natin wala naman mawawala eh at hindi naman isasaalang-alang mo ang kinabukasan mo doon,” sabi pa ni Enchong.

At dahil suwerte sa showbiz career si Enchong, nilinaw din niya na hindi niya ito iiwan para subukin ang career sa pulitika na nagsimula sa isang biruan.

“It was a joke within Star Magic family, hindi namin alam umabot na pala sa news and current affairs ng ABS-CBN. Just a clarification hindi po, hindi po ako tatakbo” pahayag pa ng aktor.

Sa ngayon busy si Enchong sa nalalapit na paglabas ng pelikulang “Elise” ng Regal Entertainment.