1993 Miss Universe Dayanara Torres battling cancer

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/5/2019 10:24 AM
1993 Miss Universe Dayanara Torres battling cancer


Photos credit: @dayanarapr IG

Isang malungkot na balita ang ibinahagi ni 1993 Miss Universe Dayanara Torres sa kanyang Facebook account.

Dito, inamin ng Puerto Rican beauty queen na mayroon siyang “Melanoma” o skin cancer.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Dayanara ang naging proseso ng kanyang pagkadiskubre sa kanyang karamdaman.

“Today I have some sad news... I have been diagnosed with skin cancer "melanoma" from a big spot/mole I never paid attention to, even though it was new, it had been growing for years and had an uneven surface,” aniya sa post.

“My fiancé Louis had been begging me to have it checked and finally made an appointment himself... after a biopsy and a second surgery last Tuesday the results unfortunately are positive. Now we are waiting to see which treatment I will be receiving but they have already removed a big area from the back of my knee and also they have removed 2 lymph nodes at the top of my leg where it had already spread. Hoping it has not spread to any more areas or organs,” malungkot na post ng beauty queen.

Puno man nang pangamba, buong puso pa din daw na lalabanan ng beauty queen ang kinakaharap na pagsubok para sa kanyang mga anak.

“I have put everything in God's hands and I know he has all control... My sons although a bit scared know about my faith and know they have a warrior of a mommy!” pahayag pa sa post.

Sa huli, hiling ni Dayanara ang dasal at panalangin para sa kanyang pag galing.

2016 nang huling bumisita si Dayanara sa Pilipinas bilang isa sa mga hurado ng 65th Miss Universe sa Pilipinas.

Naging malapit ang former Miss Universe sa Pinoy fans dahil sa kanyang markadong pelikula na “Basta’t Kasama Kita” kasama si Aga Muhlach.

At sa kanyang naging pagbabalik noong 2016, isang homecoming party din ang ibinigay ng “ASAP” sa kanya kung saan isa siya sa mga original na host ng programa.