• Home
  • Fresh Scoops
  • VIRAL: Pretty foreigner defends Pinoy boyfriend against bashers

VIRAL: Pretty foreigner defends Pinoy boyfriend against bashers

Ipinagtanggol ng foreigner na si Vika ang Pinoy boyfriend na si Eugene mula sa bashers at sinabing ito ang ‘most handsome Filipino guy in the Philippines.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

2/4/2019 9:10 AM
VIRAL: Pretty foreigner defends Pinoy boyfriend against bashers


Sa ulat mula sa Rated K, viral ang unang pagkikita ng Pinoy na si Eugene Galang at ang kanyang Lithuanian girlfriend na si Viktorija “Vika” Chaya Radaviciute.

Nakita ni Eugene si Vika sa messenger pero mukhang hindi daw ito active doon. Hinanap niya ito sa Instagram at doon nagsimula ang pag-uusap nila sa simpleng “hi” at “hello.”

Ayon kay Vika, nang una niyang makausap si Eugene ang una niya agad naisip ay, “oh he’s so fun and so kind.”

Ayon naman kay Eugene, “Nung time na nakilala ko siya kakahiwalay lang po ng magulang niya. Kaya nung time na yun parang ang lungkot niya. Sakto pagdating ko lagi naman akong nandun sa kanya kapag kailangan niya ng kausap…”

Nagkapalagayan nga ng loob si Vika at Eugene at matapos ang isang buwan noong May 16, 2017 ay naging official na ang kanilang relationship.

Mga isang taon na ang kanilang long-distance relationship nang lumipad si Vika papuntang Pilipinas para makilala nang personal at makasama si Eugene. Ayon sa ulat, meron ng more than 1.6 million views ang video ng unang pagkikita nila. Maraming kinilig pero marami din ang nang bash sa couple, lalo na sa itsura ni Eugene.

Ganunpaman, to the rescue si Vika dahil nagpu-post siya at sinasabi niya sa kanyang mga post na si Eugene ang “most handsome Filipino guy in the Philippines.”
 

Habang nasa Pilipinas, tumuloy si Vika sa bahay ng magulang ni Eugene at doon hinangaan ng pamilya ni Eugene ang dalaga. Wala daw itong arte sa pagkain at nagkakamay pa ito. Kusa rin daw itong naghuhugas ng pinagkainan niya.

Dahil din sa kanilang relationship ay naayos diumano ang relasyon ni Vika sa nanay at mga kapatid.  Si Eugene naman ginawang inspirasyon si Vika at nakapasa siya sa Electronics and Communications Engineering board exam.

Maraming nagsasabi na swerte si Eugene kay Vika, pero ayon naman sa mga kapamilya ni Eugene, swerte din si Vika dahil “masikap at malapit sa Diyos” si Eugene.

Pinatotohanan ito ni Vika dahil proud niyang sinabi na, “(Eugene) is a very religious guy and he is a family person and that’s what I really love from him.”

Ngayon nga, nakabalik na si Vika sa kanyang bansa pero patuloy pa rin ang kanilang LDR ni Eugene.

May 1.7 million views na ang video nina Vika at Eugene sa Youtube na inupload ng dalawa noong October 2018.