Sexbomb Che-che, willing na makatrabaho ulit si Coco Martin

Binalikan din ni Cheche noong una siyang pumasok sa dance group na Sexbomb Girls.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/4/2019 8:34 AM
Sexbomb Che-che, willing na makatrabaho ulit si Coco Martin


Photo credit: @mr.cocomartin on IG/ nstagram.fmnl3-2.fna.fbcdn.net

Sa isang makulit na episode ng PUSH Bets Live noong January 29, masayang sumagot sa mga tanong ang mga original Sexbomb Girls na sina Mia Pangyarihan, Cheche Tolentino, at Sandy Tolentino. 

Kwento nila Mia at Cheche, dalawa sila sa ilang original members ng Sexbomb ang hindi 'talaga marunong' sumayaw noong una. Sabi ni Cheche, kahit na maraming nagsasabi sa kanyang, 'mukhang lasing' at laging 'off-beat' sumayaw, hindi siya tumigil sa gusto niyang gawin. "'Nung pumasok ako, hindi ako marunong sumayaw talaga. So ang ginawa ko, hindi talaga ako nag stop ng learning, nag dance class (ako). Talagang hindi ako gumive-up, Kase alam ko, gusto ko yung ginagawa ko," sabi ni Cheche.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Good Morning...

A post shared by Che-Che (@chechetolentino) on

Aminado rin si Mia na wala siyang bilib sa sariling talento noong unang pumasok sa Sexbomb. "Karamihan sa amin hindi talaga kami dancers. Ako hindi rin ako dancer. Ang alam ko sa sarili ko, wala akong talent. Pero ito yung nakita kong way para makatulong sa family ko. So, kahit hindi ko siya gusto, or hindi ko talaga siya alam paano gawin. Yun yung naging challenge sa akin," sabi ni Mia, na inalala nang nagre-rehearse hanggang 3AM, kahit na may call time ng 7AM sa isang noontime show noon.

Samantala, nang tinanong naman si Cheche kung willing siyang makatrabaho muli ang FPJ's Ang Probinsyano lead actor na si Coco Martin, "Opo, willing naman po. Siyempre po Coco naman po yan. Tsaka magkakaibigan naman po kami mula noon. Kaya okay naman po 'yun. 

Kung matatandaan, sa isang episode ng Gandang Gabi Vice, ini-reveal ng mga kapwa Sexbomb Girls, na nagkaroon noon ng pagkakaintindihan sina Cheche at Coco. Unang nagkatrabaho ang dalawa sa TV series na Daisy Siete.

READ: SexBomb Che-Che nagkaroon ng “something” noon kay Coco Martin

Panuorin ang buong episode dito: