OPM hit makers, sanib pwersa sa isang concert

Extra special naman para kina Joey G, Jinky Vidal, Meds Marfil at Jay Durias ang kanilang pagsasama-sama sa isang concert stage na kilala noon bilang magkakatunggali sa music scene.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

2/4/2019 8:27 AM
OPM hit makers, sanib pwersa sa isang concert


Sanib pwersa sa isang entablado ang OPM hit makers na sina Joey Generoso, Jinky Vidal, Jay Durias, Ice Seguerra, Juris Fernandez, Meds Marfil at Janine Teñoso para sa isang concert na “Playlist: The Best Of OPM.

Extra special din para sa OPM singers ang kanilang pagsasama-sama sa isang concert stage na kilala noon bilang magkakatunggali sa puso ng kanilang mga taga-pakinig.

 

“Iba-iba naman po kami noon ng sounds before, and nagkaka-group naman kami sa mga events before,” tugon ni Meds ng Truefaith.

“Naiinis lang kami pag ang tagal nila matapos,” pagbibiro naman ni Jay ng South Border. “We’re all friends,” dagdag niya.

Si Jinky Vidal naman na parte dati ng bandang Freestyle aminadong fan ng mga singer na kasabayan nila noon.

“I’m a big fan of their groups actually, ‘pag nag back-to-back kami talagang nakikinig talaga ako at talagang inoobserbahan ko kung paano sila mag-perform, I’m a big fan and I’ll always be a fan of them,” aniya.

“Ang sarap sa feeling na kasama ko sila ngayon na parang, wow rewarding!” sabi pa ni Jinky.

Napa-throwback naman ng kanyang experience si Jay na unang nakilala ang banda ng Side A.

“It was with Side A, high school palang ako noon nagpunta sila sa Davao, gustong-gusto ko na sumali sa kanila akala ko ganun-ganun nalang ‘yun feeling ko pwede na ako,” kuwento ni Jay Durias.

“There was a time na nanghiram kayo (Joey Generoso) ng keyboard ayun, first time I met them and we became friends,” aniya.

Si Joey naman na kilalang lead vocalist ng Side A, hindi naramdaman ang kompetisyon sa mga kasabayan.

“Of course, ganun naman talaga, Wala naman (competition) dito e,” diin pa niya.

Sa darating na unang araw ng Marso, mapapanuod ang “Playlist: The Best Of OPM” sa Smart Araneta Coliseum.