• Home
  • Fresh Scoops
  • Hosts ng ‘GMA Supershow’ together again sa isang reunion

Hosts ng ‘GMA Supershow’ together again sa isang reunion

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

2/4/2019 10:48 AM
Hosts ng ‘GMA Supershow’ together again sa isang reunion


Photo credit: @rachelannewolfe on IG

Sa pambihirang pagkakataon, muling nagsama-sama sa isang reunion ang mga host ng sikat na variety show noong dekada ‘80 na “GMA Supershow."

Kabilang sa mga present sa reunion sina Pops Fernandez, Mariz Ricketts, Arlene Muhlach, Maricel Laxa-Pangilinan, Jackie Lou Blanco, Rachel Anne Wolfe, Lanie Mercado at Dawn Zulueta na punong abala sa nasabing get together.

Sa mga larawan na ibinahagi ni Rachel Anne, pinasalamatan niya si Dawn na naging abala sa pagbuo ng nasabing get together na ginanap sa Manila House sa Taguig.

 

GMA Supershow reunion @lanirevilla, @dawnzulueta, Pops Fernandez, Mariz Ricketts, Arlene Muhlach, Maricel Laxa-Pangilinan, Jackie Lou Blanco #GMAsupershowghels #yesterdaysforeverfriends Thank you Dawn for organizing this so nice to see all of you!“ sabi pa ni Rachel Anne sa post.

Bukod sa mga present sa reunion, bahagi din ng “Supershow” sina Gretchen Baretto, Gino Padilla, Richard Reynoso, Zsazsa Padilla, John Nite at Sharon Cuneta.