• Home
  • Fresh Scoops
  • Billy Crawford on his international career: 'I never gave it up'

Billy Crawford on his international career: 'I never gave it up'

Binanggit sa isang interview ni Billy Crawford ang mga nakatakdang international shows at ang comeback album niya ngayong taon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/4/2019 2:22 PM
Billy Crawford on his international career: 'I never gave it up'


Nilinaw ng World of Dance judge na si Billy Crawford na hindi naman niya tuluyang binitawan ang kanyang career as a singer sa ibang bansa. "I never gave it up," mabilis na sagot ni Billy noong binisita siya ng press sa set ng naturang dance competition show. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Feel good, look good, and be confident! Happy Saturday everyone! 🤙🏻💯🙂 . . . 📷: @aimeegrey

A post shared by Billy Crawford (@billycrawford) on

 

"I actually honestly had a problem with my record label before," paliwanag ni Billy. 

Pinasikat ni Billy noon ang mga orihinal na kantang, Bright Lights at Trakin', na naging big hits sa US, UK at France. Taong 2008 naman ay bumalik ang WOD judge sa Pilipinas kung saan ay pumirma ng kontrata sa ABS-CBN. 

"I just finished my album now. Last time lumabas ang album ko, was 10 years ago. So quitting the limelight abroad, it's never naman talaga nasa isip at nasa puso ko. Siguro I just paused," dagdag ni Billy.

Ibinahagi din ng Kapamilya host and performer na may mga nakatakda din siyang mga shows sa France at iba pang bansa. "I was given the opportunity din to work here, na malapit din sa pamilya ko. And its good to be back at this age, kasi mas naiintindihan ko paano maging Pinoy kaysa nung bata pa po ako. 

"I'll still be releasing myself sa France, in Belgium, in Switzerland, in Norway, Sweden. I have a show in July, and go back to Paris, I have a show there again," sabi pa ni Billy. 

 

Dagdag ni Billy, kontrata at pagbabalanse ng oportunidad lang ang isyu sa kanyang international career. 

"Sa akin, yung pangarap ko na mag-continue doon (other countries) it never fails po, it's still there. In my heart, I'm still working to get there again. Mahirap lang po talaga magbalanse, especially if everything is contracted din," pahayag ni Billy.

Ngayong taon din inaasahan ang bagong album ni Billy, matapos ang huli na Groove, noong 2009. Bagama't hindi pa nilalabas ang magiging pangalan ng album, una nang ini-reveal ni Billy na magkakaroon siya dito ng song-collaboration kasama si James Reid. 

READ: James Reid to work with Billy Crawford and Sam Concepcion

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

04/05/19 #CR3W Y’all ready? It’s going down! 👌🏻

A post shared by Billy Crawford (@billycrawford) on